Tambak ang inabot ng Gilas Pilipinas sa unang salang sa FIBA Women’s World Cup Qualifying, nilamog ng host France 115-66 sa Astroballe sa Villeurbanne, Lyon nitong Huwebes ng tanghali.
Tinapos ng French women ang first quarter na malayo na 24-9, nadagdagan pa 33-9 sa second.
Hindi na nakabalik ang Filipinas, naiwan pa hanggang 91-40 sa basket ni Aminata Gueye.
Final tally na lang halos ang hinihintay, nilubayan ng France ang silinyador sa fourth kaya nakadikit ang Gilas sa quarter scoring 29-28 pero wala nang saysay.
Walang nakapigil sa WNBA player ng France na si Dominique Malonga, naglista ang pamato ng Seattle Storm ng 21 points.
Nag-ambag si Alexia Cherry ng 16 markers, 14 kay Migna Torre para sa winning squad.
Binitbit ng 13 points ni Sumayah Sugapong ang Pilipinas, nagsumite si veteran Afril Bernardino ng 12 points, 6 rebounds bago na-fouled out.
Plus 24 ang France sa 25 rebounds ng Gilas.
Susubukan ng Pinays na bumawi laban sa world No. 12 Germany ngayong Biyernes (March 13) ng umaga (oras sa Manila). (Vladi Eduarte)
The post Samayah Sugapong, Gilas bugbog sarado sa France first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments