Afril Bernardino, Gilas 3×3 puro sa 2028 LA Olympics

Nasa tamang landas agad ang Gilas Pilipinas women’s 3×3 team sa puntiryang unang pagsabak sa 2028 Los Angeles Summer Olympic Games.

Salamat sa malaking bahagi ng makasaysayang pilak na medalya sa 9th FIBA 3×3 Women’s Asia Cup noong April 1-5 sa Singapore, at pagpuwesto sa 10th FIBA 3×3 Women’s World Cup sa June 1-7 sa Warsaw, ang bansa ay ngayon nasa pangalawang pwesto sa halfcourt game sa Asia sa likod ng Australia at malakas ang posibilidad na makapunta sa L.A.

“Ang malaking pangarap namin ay malapit na makapasok sa 2028 Olympics. At ang kampanya para roon ay nagsimula ngayong taon kasi umpisa na ng qualification process. Kumbaga lahat ng napapanalunan natin at sinasalihan na FIBA tournaments ay nakakatulong sa Olympic ranking points na siyang magiging batayan para makapasok tayo sa Olympics,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Erika Dy sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes.

“Ang mangungunang dalawang koponan sa Asya na may pinakamaraming puntos na maiipon sa susunod na dalawang taon ang awtomatikong papasok sa LA. Yun ang hinahabol natin nang hindi na tayo dumaan sa Olympic qualifier.”

Pinasalamatan at binigyang-pugay ni Dy ang mga miyembro ng Gilas women’s 3×3 team para sa kontribusyon sa matagumpay na pagganap sa dalawang FIBA-sanctioned na torneo na ginanap sa Singapore nitong mga nakaraang linggo.

Kasama ni Dy sa talakayan sina Afril Bernardino, Kacey Dela Rosa, Mikka Cacho, Cheska Apag, at Reynalyn Ferrer sa media room ng Philippine Sports Commission. Gayunn din sina coach Anton Altamirano at SBP 3×3 program director Paul Ryan Gregorio.

Sinabi ng SBP executive na maraming gawain ang kailangang gawin upang mapanatili ng Pilipinas ang kasalukuyang ranggo a FIBA.

“Kumbaga, kung bukas ang Olympics, pasok na tayo,” lahad ni Dy sa sesyon na mga hatid ng ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Milo, ng 24/7 sports app ng bansa na ArenaPlus. “Kaya kailangan nating panatilihin iyon, pero hindi ito magiging madali obviously.”

Sinabi ni Altamirano na marami ang nakatakdang mangyari para sa Gilas women’s team dahil ang ilan sa mga miyembro ng pool ng ay aalis papuntang Sanya, China para sa Asian Beach Games ngayong Miyerkoles at susundan pa ng pagho-host ngbansa sa FIBA 3×3 Women’s Series stop sa Mayo 7-8 sa SM Mall of Asia Music Hall.

“Sa totoo lang, hindi talaga kami tumitigil sa aming mga paghahanda kasi ang dami talaga naming mga torneo na sasalihan para ihanda kami para sa World Cup. Tuloy-tuloy ang calendar namin sa 3×3,” aniya.

Binanggit ni Dy ang mga tulad ng Mongolia, China, at Japan bilang iba pang mga bansang inaasahang makakalaban ng Pilipinas para sa dalawang nangungunang puwesto sa Olympics na nakalaan para sa Asia.

Ang pinaka-senior sa koponan, ssi Afril Bernardo na handa ang Gilas team sa hamon.

“Hindi mo masabi, bilog ang bola, e. Posible naman na makuha namin yung slot na yun,” sabi ng tatlong beses na Southeast Asian Games gold medalists at tatlong beses na UAAP MVP mula sa National University. (Abante Tonite Sports)

The post Afril Bernardino, Gilas 3×3 puro sa 2028 LA Olympics first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments