Maitatalang pinakamalaking premyong salapi sa kasaysayan ng cycling sa ‘Pinas ang P12 milyon sa 2026 MPTC Tour of Luzon (ToL) kung saan ang rider na magsusuot ng dilaw na jersey sa pagtatapos ng 14-stage race ay makakapag-uwi ng P1M at ang koponang tatayo sa tuktok ng podium ay may P2M.
“Maghanda na sa mahigpitang ang labanan para sa tagumpay hanggang sa umalon ang checkered flag,” pahayag sa Ingles nitong Linggo ng Pagkabuhay ni Tour Chief Organizer at CEO Arrey Perez. “Sa peloton na dikit-dikit, bawat pedal stroke ay mahalaga, at tanging ang pinakamalakas lang ang makakakuha ng tuktok na puwesto!”
“Ang karera ay inaasahang magiging masikip at kapana-panabik hanggang sa dulo,” hirit niya. “Maghanda para sa isang nakakabigla at puno ng adrenaline na biyahe!”
Ang general individual classification runner-up ay may P500,000.Sa team classification ang ikalawang puwesto ng 25 araw na karera simula sa Abril 29 sa CaSoBe sa Calatagan ay may nP1.5M.
“Ang layunin ay maging mga kampeon – indibidwal at koponan – dahil ang pagkuha ng pangalawang pwesto ay napakalayo sa likod [pagdating sa mga premyong salapi],” dagdag pa ni Perez.
Ang kabuuang premyo at gantimpala para sa mga kampeon ang pinakamalaki sa Tour na nagsimula sa simpleng ngunit makasaysayang Manila-Vigan Race noong 1954, kung saan ang pinakamayaman ay ang karera noong 1995 kung saan nakuha ni Renato Dolosa ang pangalawa sa kanyang dalawang tropeo at P500,000 kasama ang isang bagong kotse.
“Siguradong magiging mahigpitan labanan ang Tour of Luzon na ito,” ani Dolosa, na ngayo’y ay isang road race commissaire. “Tingnan mo ang pagkakaiba ng premyo sa pagitan ng kampeon at ng runner-up, napakalaki niyan upang ipaglaban hanggang sa dulo.”
Pumasok si Dolosa sa kasaysayan ng Tour bilang isang kampeon na hindi nanalo ng anumang yugto sa 1992 Marlboro Tour at naghari lang sa isa – mula Cabanatuan City hanggang Santiago City (Isabela) – noong 1995.
Ang Marlboro Tour ay nagtaas ng premyo sa P500K para sa indibidwal na kampeon sa huling tatlong taon nito mula 1996 hanggang 1998, tapos ay nakakuha rin ng P500K ang kampeon sa panahon ni Alberto Lina sa summer sports spectacle.
Umabot sa P1 milyon ang premyo sa unang edisyon ng Ronda Pilipinas.
Ang mga premyo para sa parehong koponan at pangkalahatang klasipikasyon ay pinaliit sa karera na mga susuportahan ng Philippine Sports Commission, MVP Group at MPTC, at isinasagawa ayon sa mga regulasyon ng International Cycling Union sa pagsang-ayon ng PhilCycling.
Ang ikatlong pwestong siklista pagkatapos ng 14 na yugto may P400K, sa ikaapat ay P300K, ikalima P250K, ikaanim P200K, ikapito P175K ikawalo P150K, ikasiyam P125K at ika-10- P100K.
Ang mga premyo para sa koponan mula ikatlo-ika-10 puwesto magsusubi ng P1M, P500K, P400K, P300K, P250K, P200K, P150K at P100K.
Ang may pinakamaraming King of the Mountain (Polka Dot) points may P350K, sa Sprint King (Green) P300K at sa Best Young Rider (White, under-23) P200K.
Ang Stage Winner (Purple) ay bibigyan ng P10K, Most Combative (Red) P3K para sa 11 yugto at ang Yellow jersey ay nagkakahalaga ng P15K bawat araw.
Ang Stage 1 sa Abril 29 ng MPTC Tour of Luzon ay mula CaSoBe (Calatagan) pa-Tagaytay City, Stage 2 team time trial Clark Parade Grounds-New Clark City, Stage 3 New Clark City-Palayan City, Stage 4 Palayan City-Bayombong, Stage 5 Santiago City-Tuguegarao City, Stage 6 Tuguegarao City-Pagudpud at Stage 7 Pagudpud-Pagudpud ang unang ng dalawang individual time trial (ITT) race.
Ang araw ng pahinga ay sa Pagudpud sa Abril 6 na may Stage 8 na itinakda kinabukasan mula Pagudpud-Paoay, Stage 9 Laoag City-Candon City, Stage 10 Candon City hanggang sa kauna-unahang pagtatapos ng Tour sa Bessang Pass, Stage 11 mula Candon City-San Juan sa La Union, Stage 12 Agoo-Daang Kalikasan sa Mangatarem, Stage 13 ITT sa Baywalk sa Lingayen at Binmaley sa Pangasinan at ang huling Stage 14 Lingayen-Scout Hill sa John Hay Hotels sa Baguio City. (Lito Oredo)
The post Bongga ang mga papremyong pagrarambulan sa Tour of Luzon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments