‘Pinas aangat sa teqball – POC president Abraham Tolentino

Nangako ang Fedaration Internationale De Teqball (FITEQ) na susuportahan at pauunlarin sa Pilipinas ang mabilis na lumalagong isport ngayon at nasa opisyal na mga programa ng mga pangunahing internasyonal na kompetisyon.

“Ang teqball ay nakakuha ng napakalaking kasikatan kamakailan at isa itong isport na maaaring dominahin ng mga atletang Pilipino,” pahayag ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, na tinanggap si Dr. Victor Huszár ng Hungary, ang pangulo ng FITEQ, noong Huwebes Santo sa Shangri La Makati.

Nasa bansa ang Hungarian upang palakasin ang presensya ng isport sa pamamagitan ng Philippine Teqball Federation (PITEQ) na pinamumunuan ni Victor Yap.

Ang teqball ay nilaro sa 33rd Southeast Asian Games 2025 sa Thailand noong Disyembre, mga kasama na rin sa 20th Asian Games sa Nagoya-Aichi ngayong Setyembre at Riyadh 6th Asian Indoor and Martial Arts Games sa Nobyembre, ayon kay Tolentino.

Sumama kay Tolentino sa pagtanggap kay Huszar sina POC secretary-general Atty. Wharton Chan, PITEQ sec.-gen. Peter Paul Soliman at executive director Jovy Mamawal.

Itinatag sa Hungary noong 2012, ang teqball ay pinagsasamang football o soccer at table tennis na nilalaro sa isang espesyal na kurbadong mesa na tinatawag na TEQ table – isang mababang-impact na laro na nakatuon sa mga teknikal na kasanayan kung saan ang mga manlalaro ay gumagamit ng anumang bahagi ng kanilang katawan maliban sa mga braso at kamay upang ibalik ang bola.

Ang FITEQ ay may punong tanggapan sa Budapest na mayroong 124 na kasaping pederasyon, kabilang ang 36 na bansa sa Asya. (Abante Tonite Sports)

(Abante Tonite Sports)

The post ‘Pinas aangat sa teqball – POC president Abraham Tolentino first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments