Umasa ang Adamson University sa matalas na paglipad ni Ellane Gonzalvo upang walisin ang De La Salle Zobel, 25-20, 25-17, at mahipo ang puwesto sa quarterfinals ng 4th Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 noong Huwebes sa La Salle Green Hills Gym.
Nagpakawala si Gonzalvo ng 12 atake at dalawang kill block pa-game-high 14 points para ilagay ang Lady Baby Falcons sa tatlong dikit na panalo sa prelims at tukain ang tuktok ng Pool D kasama ang idle University of Santo Tomas.
Kinailangan lang ng 2024 titlist ang 50 minuto upang tabigin ang Junior Lady Spikers, na bumagsak sa 1-2 sa pinakamalaking grassroots volleyball league sa bansa, na mga pinapadrinuhan ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Sa kabilang banda, tinalo ng King’s Montessori ang Bethel Academy, 25-20, 25-16, sa likuran ng tig-12 puntos nina Kriska Gindap at Sharina Lleses para sa 2-1 sa Pool A.
Binuksan ng Far Eastern University-Diliman ang kampanya sa Pool C sa pagwalis sa wala pang panalong De La Salle-Lipa, 25-16, 25-15.
Samantala, swak na ang University of Batangas High School at UST-B sa quarterfinals ng Division 2 pagkasukbit ng tig-apat na mga panalo sa gayuing daming sabak.
Tinibag ng Batangas-based squad ang St. John’s Institute, 25-22, 26-24, sa Pool H sa angas nina Andrea Gabrinao at Scarlett Escalante na mga umiskor ng tig-10 pts.
Sinakmal ng UST-B ang Poveda College, 25-13, 25-8, sa Pool F upang makapasok sa knockout quarters ng torneo na mga suportado rin ng Smart Sports, PusoP.com, Solar Sports Free TV, Mikasa, Asics, Eurotel, Team Rebel Sports at Rigour Technology.
Pinalakas ng reigning Division 2 champion Domuschola International School ang pagtapak next round sa 3-0 bitbit sa Pool E, huling biniktima ang MGC-New Life Christian Academy, 25-22, 23-25, 15-11.
Nanalasa sa Badgers sina Micaela Pingris at 2025 MVP Naihma Banal sa mga kinayod na 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Angat ang St. Jude Parish School sa 2-1 pagkataob sa Immaculate Conception Academy sa Pool G, 25-22, 25-19, habang tinibag ng PACE Academy ang CCF-The Life Academy, 25-13, 25-23, para sa unang panalo sa apat na laban sa parehong pool.
Sinakote ng LSGH ang ikatlong panalo sa apat na laro sa pagtumba sa nabinyagan pa lang na Diverse Auckland Cubs, 23-25, 25-16, 16-14, sa Pool F.
Ang iba pang mga resulta sa Pool H ay kinakitaan sa pabuwal ng Sacred Heart School-Ateneo De Cebu sa DLSZ-B, 15-25, 27-25, 15-8, at agtisod ng Bacolod Tay Tung High School-B sa St. Paul College-Pasig, 25-11, 25-17.
Pinantay sa 2-2 ng Sacred Heart School-Ateneo ang rekord, angat ang BTTHS-B sa 2-1. Nagbuhol ang St. Paul College at St. John’s Institute-B sa 1-2 habang nananatiling walang panalo ang La Salle Zobel-B sa tatlong laro.
Nagpatuloy ang mga aksiyon sa SGVIL nitong Biyernes. Napapanood ang mga laro PusoP.com livestream at Solar Sports. (Abante Tonite Sports)
The post Ellane Gonzalvo pinasalat quarters slot sa Adamson first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments