Sasambulat ang Luzon at Visayas-Mindanao third leg series ng 4th Junior Philippine Golf Tour sa susunod na linggo sa John Hay sa Baguio at Del Monte sa Bukidnon, na magdadala ng mga maagang standout at umuusbong na talento sa isang mahalagang labanan para sa mga pangunahing parangal at mahahalagang puntos para sa Elite Junior Finals.
Isang malaking sagupaa ang magaganap sa dibisyon ng mga batang lalaki na may edad 7-10 sa Luzon swing, kung saan magtatagpo sina Kenzo Tan at Zach Guico na mga nanalo sa mga naunang leg. Pinangunahan ni Tan ang first leg sa Mount Malarayat, habang nagpakita ng dominasyon si Guico sa Summit Point.
Kahit hindi sumali si Tan sa 2nd leg dahil sa mga naunang obligasyon, ang pagbabalik niya sa 3rd leg ng anim na yugtong regional series ang magbibigay-daan para sa isang kapana-panabik na girian, kung saan atat si Guico na ipagpatuloy ang winning form mula isang nakakabilib na panalo laban kay Zoji Edoc.
Si Edoc, gayunpaman, nananatiling isang malakas na karibal at handang guluhin ang inaasahang bakbakan nina Tan at Guico. Palaban din sina Alexian Ching, Joaquin Magtalas, Matteo Muyot at mga kilalang manlalaro mula Baguio na sina Gabrial A-Ayo at Michael Lim.
Sisiklab ang ICTSI John Hay JPGT Championships sa Abril 28, habang ang ICTSI Del Monte JPGT Junior Championships ay sa Abril 29. Ang mga dibisyon na 7-10 at 11-14 a lalaruin sa 36 na butas, habang ang pangunahing kategoryang 15-18 ay 54-hole.
Bawat regional series binubuo ng anim na torneo, kung saan kumikita ng puntos ang mga manlalaro batay sa kanilang mga pagtatapos. Tanging ang tatlong pinakamagagandang resulta lang ang bibilangin sa panghuling ranggo. Para makasali sa North vs South Elite Junior Finals, ang mga manlalaro ay dapat lumahok sa hindi bababa sa tatlong kaganapan, kung saan ang mangungunang apat sa bawat dibisyon mula sa parehong serye ang magpapatuloy sa Ryder Cup-style championships sa The Country Club sa Setyembre.
Sa dibisyon girls 7-10, maghahanap ng pagtubos si Winter Serapio pagkayukod sa Mount Malarayat kay Andrea Dee sa Summit Point. Dahil hindi lalahok si Dee sa John Hay leg, si Serapio ang inaasahang magiging pangunahing kalaban. Pero, inaasahang may matinding kumpetisyon ilalatag sina Tyly Bernardino at mga lokal na taya na sina Amiya Tablac, Rosalina Mamauag, at Ava Laranang, na pamilyar sa mahirap na par-69 layout.
May atensyon din sa kategoryang girls 11-14 na rito’y sisimulan ni Ronee Dungca ang kampanya sa mas mataas na dibisyon makalipas ang isang dominanteng takbo sa 7-10 noong nakaraang taon, nanalo sa lahat ng tatlong laban niya at may mahalagang papel sa tagumpay ng Team North sa Elite Junior Finals.
Si Dungca, gayunpaman, may mahigpit na katunggali kina Summit Point runner-up Mavis Espedido, Kelsey Bernardino, Tyra Garingalao at Baguio standouts na sina Skye Robles at Zoey Laranang.
Sa boys 11-14, itutuloy rin ni Vito Sarines ang dramatikong tagumpay laban kay Chan Ahn sa Summit Point. Aangasan niya sina Race Manhit, Javier Bautista at mga lokal na kalahok na sina Miguel Orbita, Hoonmin Park, at Sevros Dionisio. Inaasahan ding papalag sina Jose Luis Espinosa at Antonio Cruz.
Samantala, babalik ang magkapatid na sina Lisa at Mona Sarines mula sa Royal Junior tournament sa Japan at inaasahang makikipagtagisan para sa korona ng mga batang babae na may edad 15-18. Sasamahan sila nina Levonne Talion, Kendra Garingalao at Zyrah de Leon mula Benguet.
Sa premier boys 15-18, unang lumabas si Charles Serdenia sa JPGT ngayong taon at mangunguna sa isang malalim na larangang kabibilangan nina Santi Asuncion, Geoffrey Tan, Tristan Padilla at mga kilalang manlalaro mula Baguio na sina Xian Robles, Sean Torrefiel, Raiden Tablac at Renzo Sagsago.
(Abante Tonite Sports)
The post Kenzo Tan, Zach Guico magsasagupa sa ICTSI JPGT Luzon leg 3 boys 7-10 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments