Heath Jornales inamin kinapos ang pamilya

Buong ningning na inamin ni Heath Jornales na kinailangan niyang ibenta noon ang kanyang unang sasakyan upang makatulong sa pamilya.

Sa isang panayam, ibinahagi niya na naapektuhan ng lockdown ang kabuhayan ng kanilang pamilya, lalo na nang magsara ang gym business ng kanyang ama na si Michael Roy Jornales, isang dating aktor at stunt director. Dahil dito, kinailangan nilang magdesisyon na ibenta ang kaniyang sasakyan upang makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

“There are times like that po lalo na noong pandemic, we can’t go outside at ‘yung first car na nabili ko po with my talent fee, we had to sell it to buy more food to last us longer,” aniya.

Dagdag pa niya, kahit may mga pagsubok, hindi naging mabigat para sa kanya ang sitwasyon noon dahil nananatili pa rin ang masasayang alaala sa kanilang pamilya.

“Kaya we only use the other car na meron ang dad ko. Noong pandemic, medyo kinapos kami. Hindi ko masyadong naramdaman noon. Pero pag naririnig ko ‘yung kwento ng tatay ko, alam kong naging mahirap din para sa kanila,” pagbabahagi niya.

Ikinuwento rin ni Heath kung paano pinilit ng kanyang mga magulang na panatilihing masaya ang kanilang tahanan kahit sa gitna ng problema.

“Hindi pinapahalata ng tatay ko na may problema. Lagi siyang nagbibigay ng masayang buhay para sa amin. Kahit mahirap, pinipilit nilang ibigay ang mga kailangan namin at pati ang mga gusto namin,” sambiut pa niya.

Naiyak ba siya nang ibenta ang kanyang unang sasakyan?

“Hindi po masyado kasi bago pa lang naman sa akin ‘yung kotse at hindi ko rin agad na-realize kung gaano kabigat ‘yung pagbenta. Hindi rin ako ang nagda-drive noon, mom ko po. Kaya parang sabi ko na lang, ‘bye car,’ tapos balik sa normal na masayang araw,” pagtatapos ni Heath. (Allan Sancon)

The post Heath Jornales inamin kinapos ang pamilya first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments