Tiklop nga ba sa giyera vs smuggling?

Tila may exodus ng mga mataas na opisyal sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng liderato ni Commissioner Ariel Nepomuceno.

Naitsika sa atin ng isang maaasahang source na bumitaw siya sa puwesto kamakailan lamang. At nauna naman sa kanyang umalis si dating Deputy Commissioner for Internal Administration Michael Cristobal Fermin.

Si Fermin ay nag-resign dahil daw sa “personal and security reasons.”

Pero itong ating source ay nagbitiw dahil hindi raw niya kinaya ang talamak na smuggling na kinasasangkutan ng kanya mismong mga kasamahan sa loob ng ahensya.

Totoo naman na kapag hindi ka korap, hindi mo kakayanin ang katiwalian na nakikita mong lantarang nangyayari sa loob ng iyong pinagtatrabahuhan.

Ayon pa sa ating source, ang malalang smuggling sa BOC ay taliwas sa kuning-kuning na pinaigting na kampanya laban sa smuggling. Bakit naming nasabing “kuning-kuning”? Eh kasi kung totoong pinaigting ni Commissioner Nepomuceno ang kampanya laban sa smuggling eh bakit nagtatampisaw pa rin sa kaligayahan ang mga smuggler?

Ano pala ang silbi ng kampanya laban sa smuggling? Kuno lang? Pakitang-tao o mema lang para kunwari’y lumalaban sa smuggling? O kaya naman ay talagang tiklop lamang si Nepomuceno at masyadong nao-overwhelm sa puwersa ng mga smugglers sa adwana?

Eh kung nagsisilayas ang mga opisyal na hindi makatagal sa talamak na smuggling, malinaw na mga smugglers pa rin ang puwersang nananaig sa ahensya.

Dalawang bagay din ang nakikita naming dahilan ng exodus ng mga matataas na opisyal ng BOC:
Puwedeng hindi nila masikmura ang nakikita nilang katiwalian sa BOC kagaya nga ng ating insider. At puwede rin namang hindi nila kinaya ang pressure na nagmumula sa puwersa ng kasamaan.

Kung makaramdam ng insecurities ang grupo ng mga korap sa iyong presensya, maaari silang gumawa ng paraan para pahirapan ka at nang magkusa ka nang umalis. Puwedeng ito ang “personal and security reasons” na tinutukoy ni Fermin sa kanyang pagbibitiw.

Sa gitna ng mga isyung talamak pa rin ang smuggling sa adwana, kailangang magising si Commissioner Nepomuceno.

Kakahiya naman sa Malacañang kung sinasabi ni BBM na isa sa nais niyang iwang legasiya ay masugpo ang korapsyon. Kung ang ahensyang tulad ng BOC ay hindi makatupad sa kampanya laban sa korapsyon, baka kailangang kalampagin na ang nagtitipon sa adwana.

Mr. Commissioner, mukhang napapalusutan pa rin po kayo ng mga smugglers sa inyong nasasakupan. Medyo gising-gising po tayo sir. Galaw-galaw at dagdag paramdam para pero medyo lukuban ng konting takot itong mga smuggler sa BOC.

Iyong hiya wala nang pag-asa dahil hindi na lulukuban ng hiya itong mga walang hiyang smuggler sa BOC. Kaya takot na lamang ang pag-asa para masugpo ang kanilang masamang gawain. Kailangang maramdaman nilang dapat katakutan ang kampanya ni Commissioner Nepomuceno para sila’y magpreno.

Dahil kung hindi tuloy ang ligaya sa BOC. Tuloy ang payaman ng mga smuggler at ng kanilang mga kasabwat na opisyal ng adwana. Habang naghihirap ang bayan, sila’y patuloy na nagtatamasa. Eh di sanaol maraming pera!

The post Tiklop nga ba sa giyera vs smuggling? first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments