Opisyal nang sinimulan ang paghahanda para sa pag-host ng Candon City sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Nations Cup sa Hunyo sa pamamagitan ng Draw noong Biyernes sa Diamond Hotel sa Maynila.
Pero, isang pahayag mula kay John Patrick ‘Pato’ Gregorio, tagapangulo ng Philippine Sports Commission (PSC), ang talagang nakatawag-pansin at umabot sa kaibuturan ng pambansang koponan.
Hayaan ninyong iparating ko ang mensahe, ang aking napaka-personal at talagang taos-pusong mensahe sa pambansang koponan, sa pamamagitan ng PNVF,” pahayag sa Ingles ni Gregorio. “Pakisuyo, mag-perform kayong mabuti.”
“Pakisuyo, ibuhos ninyo ang lahat ng inyong puso, dahil hindi ito basta isang komersiyal na torneo. Ito ang pambansang koponan ng Pilipinas,” giit niya, na tumutukoy sa Philippine National Volleyball Federation na responsable para sa pambansang koponan.
“Kung gusto ninyong makuha ang suporta ng PSC, kung gusto ninyong makakuha ng mas maraming suporta mula sa PSC, pakipatunayan sa amin na mayroon kayong malaking puso para makipagkumpetensya laban sa mga pinakamahusay sa mundo,” dugtong ni Gregorio, idinagdag pa niya “Habang naghahanda tayo para sa 2029 na pagho-host ng world championships para sa women’s volleyball sa Pilipinas.”
Hinirit: Ito ay isang bagay na kailangan nating paghandaan ng matagal at mabuti. Kailangan nating siguraduhin na tayo ay iisang koponan dito at iyon ang pangunahing mensahe ko para sa lahat ngayon.”
Ang host na Pilipinas, na kinakatawan ng Alas Pilipinas Women, nalagaksa Pool A kasama ang Chinese-Taipei, South Korea, Kyrgyzstan, Australia at Uzbekistan, habang nabuo sa Pool B ang defending champion Vietnam, Kazakhstan, Iran, Indonesia, Hong Kong at Lebanon.
Ang pangulo ng AVC na si Ramon ‘Tats’ Suzara at ang ingat-yaman na si Marina Tsui ng Hong Kong ang mga sumaksi sa draw kasama sina Candon City Mayor Eric Singson at PNVF president Tonyboy Liao at treasurer Ricky Palou.
Ang torneo ay nakatakda sa Hunyo 6-14 sa Candon City Arena.
“Handa na kaming i-host ang kaganapan at malugod naming tinatanggap ang lahat ng atleta at koponan,” wika naman ni Singson. “Salamat sa pag-consider sa amin bilang host at kami ay labis na pinararangalan.” (ASbante Tonite Sports)
The post PSC chair Pato Gregorio pinakayod ang Alas ‘Pinas sa AVC Nations Cup first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments