Nakatikim kay Jean Garcia: Mosang takot masampal ni Maricel Soriano

Diretsahan at walang preno ang naging sagot ng aktres na si Mosang nang makapanayam siya nina Roldan Castro at Kaye Estrada sa ‘Showbiz Pulis.’

Napunta ang usapan sa isyu ng respeto ng mga Gen Z star sa set.

Ayon kay Mosang, hindi naman niya sinasabing lahat ay walang respeto, pero aminado siyang malaki na ang pinagkaiba ng ugali ng mga bagong henerasyon sa industriya.

“Hindi ko masabing walang paggalang eh. Kasi iba ang Gen Z ngayon. Nakakabaliw ‘yung hiya nila. Sa sobrang hiya nila, una hindi ka na binabati, hindi ka pa kilala. Kailangan mo talagang mag-adjust as an older. Hi, ako si ganito—who are you?” lahad niya.

Sa gitna ng usapan, naikuwento rin ni Mosang ang isang hindi niya malilimutang eksena sa kanyang showbiz career, ito’y ang masampal siya noon ng aktres na si Jean Garcia sa ‘Pangako Sa ’Yo’ days.

“Nasampal nga ako ni Jean Garcia, parang nag-bell ako sa tainga ko,” natatawa niyang pagbabalik-tanaw.

Hindi rin pinalampas ni Roldan ang pagkakataon na biruin siya kung nais ba niyang masampal ng “Inay” ng industriya na si Maricel Soriano.

“Ay si Inay? Hindi pa masyado pero takot ako!” sabay tawa ni Mosang. “Pero love ko si Inay.”

Sa kabila ng mga kwelang tanong, seryoso ring ibinahagi ni Mosang ang kanyang pag-iisip sa hinaharap sa showbiz. Aminado siyang hindi laging may proyekto, kaya maaga siyang nagplano ng ibang pagkakakitaan.

Ikinuwento niya ang 15-taon na niyang negosyong kainan na Elcep’s Budbod na matatagpuan sa #62 Bukidnon, Bago Bantay, Quezon City at ang Mosang’s Budbod sa online.

“Syempre hindi naman laging may show, may character or may role, ma- stereotype ka pa, nakakapagod maging katulong forever. I’m still acting pero nagte- theater pa rin ako. Kaya lang parang saving grace ko na may business kang naalagaan,” sambit ni Mosang.

Inurirat din siya ng ilang personal na detalye tungkol sa kanyang buhay.

“Ako po ay single mother, isa lang po ang anak ko na college graduate na. Laking Tondo po ako. Marami akong naging trabaho sa showbiz—radio anchor, ‘Lady M’ noon, nag-Star Cinema AdProm, naging producer din ng concerts, at hanggang ngayon nagtuturo ako bilang acting coach at workshop facilitator,” bulalas niya.

Dagdag pa ni Mosang, patuloy pa rin siyang aktibo sa teatro at acting workshops, habang nananatiling bahagi ng matagumpay na sitcom na ‘Pepito Manaloto.’Kilala siya bilang “Baby.”

Pinasalamatan din niya ang co-star at creative director ng show na si Michael V., na aniya ay malaki ang naging bahagi ng tagumpay ng programa na tumatak na sa telebisyon sa loob ng 16 na taon.

Mapapanood at mapapakinggan ang buong panayam nina Roldan Castro at Kaye Estrada kay Mosang sa ‘Showbiz Pulis’ sa DWAR Abante Radyo FB page at YouTube, pati na rin sa DWAR 1494 , SKYCable Channel 85, Converge Channel 79, TCL Smart TV, Blast TV, K5 News FM, Samsung TV Plus, Parasat Cable TV in Mindanao, KAPPit-bahay, Amasian TV North America. tuwing Sabado at Linggo,2PM. (Allan Sancon)

The post Nakatikim kay Jean Garcia: Mosang takot masampal ni Maricel Soriano first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments