Si Gerald ang nakakaalam ng pagkatao ni PBBM

Kaliwat-kanan ang mga naglalabasang fake news sa social media hinggil sa tunay na pagkatao ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero lahat ng negatibong isyu laban kay Marcos, sinalag ng dating political officer nito at pinabulaanan ang mga ipinagkakalat ng mga kritiko ng administrasyon.

Siya si Gerald Dequina na apat na taong tumayong political officer dati ni Marcos at kasa-kasama niya 24/7. Kuwento niya, hindi man lamang niya nakitaan ng anumang paggamit ng ilegal na droga ang Pangulo.

Tuwing makaka-amoy umano ng kahit konting usok lalo na ng sigarilyo at air freshener ang Pangulo ay nagagalit na ito dahil sa posibleng atakihin siya ng sakit niyang asthma kaya’t malabo at imposible ang ibinibintang na gumagamit ito ng ilegal na droga.

Ikinuwento pa ni Dequina na sa kanilang pagiging malapit sa isat-isa ng Pangulo kung kaya’t sa tuwing magout of town ito ay kasama siya, ang kanilang silid tulugan ay hindi naman malayo sa isat-isa kung kaya’t agad niyang malalaman at makikita ang ginagawa nito.

Ang weakness o kahinaan lang umano ng Pangulo ay ang pakikisalamuha sa mga bata at matatanda.

Kuwento pa nga ni Dequina sa mahabang taon na nagsama sila ni PBBM ay never niya itong nakitang sumigaw o nagmura man lamang sa kanyang mga staff at ang turing niya sa bawat empleyado niya ay hindi trabahador kundi isang pamilya.

Natatawa na rin lamang si Dequina sa ibinabatong usapin ng korapsiyon sa Pangulo na kung saan aniya noong kasagsagan ng Napoles scam ay nasangkot ang isa sa kanyang staff kaya agad niya itong sinibak dahil wala siyang balak na kunsintehin at dapat na managot ito sa batas kung talagang may pagkakasala.

Ibinida pa nga ni Dequina na hindi lamang si PBBM ang mabuting tao kundi maging ang kanyang may-bahay na si First Lady Atty. Liza Marcos lalo na ‘t noong nagkaroon siya ng COVID at nalaman ito ng Pangulo ay agad siyang tinawagan nito at nagpadala ng isang private doctor at araw-araw na minomonitor ang kanyang kalagayan sa Chinese General Hospital.

Bukang bibig pa nga ni Dequina na kahit sinong naging empleyado ng Pangulo ay makapagpapatunay sa tunay na pagkatao at kabaitan nito.

Hindi rin naitago ni Dequina ang pagiging malapit sa Panginoong Hesus ng pamilya na aniya ang isang taong may takot sa Diyos ay kailanman ay takot at iiwas na gumawa ng masama.

Hindi naman naitago ni Dequina ang kanyang sama ng loob at galit sa mga taong bumabatikos at naninira sa Pangulo lalo na’t hindi naman nila ito kilala nang personal at hindi man lamang nakasama man lamang ng isang araw o isang oras kumpara sa kanya na apat na taon niyang nakasama at hanggang ngayon ay bukas na bukas ang kanilang komunikasyon.

The post Si Gerald ang nakakaalam ng pagkatao ni PBBM first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments