Bagong haybol ng showbiz:BLVCK BOX sasabog sa streaming world

Isang bagong digital platform ang ngayon pa lang ay pinag-uusapan na sa mundo ng entertainment matapos ilunsad ang BLVCK BOX, isang Pinoy-made streaming platform na gustong baligtarin ang kalakaran sa distribusyon at pagkakakitaan ng pelikula at iba pang content.

Opisyal itong inilunsad sa pangunguna ng filmmaker at negosyanteng si Engr.Louie Cristobal kasama ang misis niyang si Engr. Grace Cristobal.

Ayon kay Louie, isinilang ang konsepto ng BLVCK BOX dahil mismo sa hirap nilang mga filmmaker na makahanap ng matinong platform para maipalabas ang kanilang mga obra.

“Filmmaker din kami ng misis ko kaya alam namin ang struggle kung saan ilalagay ang mga pelikula namin,” lahad ni Louie.

Inamin din niyang hindi biro ang makapasok sa malalaking streaming giants gaya ng Netflix, HBO Max, at Disney+.

Kaya naman ipinanganak ang BLVCK BOX na may kakaibang sistema, walang monthly subscription at walang istorbo ng ads. Sa halip, “rent-to-watch” ang sistema kung saan babayaran lang ng viewer ang content na gusto niyang panoorin.

“Kung ano lang ang gusto mong panoorin, iyon lang ang babayaran mo,” diin ni Grace.

Bukod dito, kontrolado rin umano ng creators ang presyo ng kanilang content, promos, at kita gamit ang real-time dashboard ng platform.

Hindi rin nagpahuli ang BLVCK BOX pagdating sa anti-piracy measures. May built-in detection system umano ito laban sa screen recording at screenshots para protektahan ang intellectual property ng creators.

Mas pinalawak pa nila ang oportunidad dahil bukas ang platform hindi lang sa filmmakers kundi pati sa students, podcasters, musicians, vloggers, at short-form content creators.

“Lahat ng content puwede rito,films, podcasts, music videos, vertical shorts, educational content,” sey ni Grace.

Isa rin sa ipinagmamalaki ng platform ang pagpreserba ng mga lumang pelikulang Pilipino, kabilang na ang mga classic black-and-white films.

“Kahit old movies, importante sa amin na mabuhay at ma-preserve ang pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.

Dumalo sa bonggang launching event sina Jake Vargas, Inah De Belen, Rodfil Obeso, Dagul, Bassilyo, CJ Ramos, Rez Cortez, at Archi Adamos kasama pa ang iba’t ibang vloggers, rappers, producers, directors, writers, at content creators.

Sa patuloy na pagbabago ng digital entertainment, mukhang seryoso ang BLVCK BOX na maging bagong haybol ng mga creator na gustong sila mismo ang may hawak ng kanilang content at higit sa lahat, ng kanilang kita.

Boom! (Roldan Castro)

The post Bagong haybol ng showbiz:BLVCK BOX sasabog sa streaming world first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments