Ni Carlito Evangelista
Aaminin ko, ilang beses na akong nagpabalik-balik sa China dahil napakalaki ng naging impluwensiya sa akin ng mga naunang ilang pabalik-balik ko na din sa Hongkong at Macau noong mga nakalipas na panahon.
Kabilang sa mga napuntahan kong lunsod ng China ay mga popular na Beijing at Shanghai, Xiamen, ang makulturang Fuzhou, mga lunsod ng Yancheng at Suzhou sa medyo may kalayuan na lalawigan ng Jiangsu at kamakailan lamang ay ang mga lunsod ng Hangzhou at Ningbo sa probinsiyq ng Zheijang.
Ang mga naturang lugar na ‘yan ay kabilang sa mga moderno at pambato ng naturang bansa sa ibang mga tourist destinations sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Pero bukod pala sa pagiging world-class tourist destination, marami pang katangian na nakatago ang China kabilang na ang sa sektor ng edukasyon.
Sa bahagi ng Hangzhou ay nagkaroon kasi ako ng pagkakataon na mapasok ang at maikot ang kaloob-looban ng Zheijang University na itinuturing na pangatlo sa pinakamalalaki at kilalang unibersidad sa China.
Sangkaterbang kurso ang kanilang iniaalok at tumatanggap din ng mga dayuhang estudyante dahil ang main language sa pagtuturo ay English, pumapangalawa lamang ang kanilang lokal na lengguwahe.
Kaya nga sandamakmak din ang kanilang iniaalok na masteral at doctorate courses.
Sa ngayon nasa 15 Pinoy ang nag-aaral ng iba’t ibang kurso sa nabanggit na unibersidad kung saan, ayon sa mga impormasyong aking nakuha ay mayroong isang nabigyan ng scholarship for High-level Graduate Students Program.
Isang Pinoy student din daw ang nabigyan ng 2022 Zheijang Provincial Government Scholarship for International Students in China, Category B.
Modernong-moderno din ang mga pasilidad ng naturang unibersidad at sa katunayan ay doon matatagpuan ang sinasabing pinakamalaking campus cafeteria sa buong mundo, isang tatlong palapag na gusali na mayroong sariling lugar para sa mga pagkaing halal.
Lahat ay makabagong sistema na ang ginagamit kabilang na ang pagsisinop ng mga pinagkainan at mga pagkaing natitira na bibihirang mangyari dahil sa paraang tinitimbang muna ang mg ito bago bayaran upang hindi kumuha ng sobra ang mga kakain.
At gaya sa labas at halos lahat ng bahagi ng China na aking napuntahan, mistulang cashless na ang sistema ng pagbabayad dahil sa mas kombinyenteng WeChat Pay at Alipay.
Malaking siyudad ang Hangzhou, maraming puwedeng pasyalan kahit hindi na lumabas sa compound ng nabanggit na unibersidad kung kaya’t maraming mapaglilibangan at hindi na maiinip ang mga estudyanteng doon nag-aaral kabilang na ang 15 mapapalad na Pinoy.
Kamakailan lamang ay inilunsad na rin ang direktang flight mula Hangzhou-Manila at balikan kung kaya’t hindi na maayos na ang pagtungo doon kung gugustuhin ng mga Pinoy.
The post China university English ginagamit sa pagtuturo, 15 Pinoy pasok first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments