Unang NBA gay player Jason Collins sumakabilang buhay sa brain cancer

Binawian ng buhay si Jason Collins, ang unang openly gay NBA player, dahil sa brain cancer.

Kinumpirma ng pamilya ang pagkamatay ng 47-year-old noong Miyerkoles (Manila time).

Naka-13 years din si Collins sa liga, naglaro sa anim na team.

Nag-come out siya noong 2013. Patapos na ang kanyang playing career nang umaming gay.

Sa Sports Illustraded isiniwalat ni Collins ang sexuality noong April 2013. Free agent siya noon, sinabing gusto pa niyang maglaro. Sumunod na season ay naka-22 games siya sa Brooklyn.

Na-diagnose si Collins na may glioblastoma, cancer na mababa ang survival rate.

Noong isang linggo lang, iginawad kay Collins ang inaugural Bill Walton Global Champion Award sa Green Sports Alliance Summit sa Cleveland, Ohio. Mahina na siya noon, hindi naka-attend kaya ang kambal niyang si Jarron Collins na dati ring NBA player ang tumanggap ng award.

Mula Standford, tinapik ng Houston Rockets si Collins bilang 18th pick overall noong 2001.

Unang naglaro ang 7-foot center sa New Jersey Nets, napunta rin sa Memphis Grizzlies (2008), Minnesota Timberwolves (2008-09), Atlanta Hawks (2009-12), Boston Celtics (2012-13), Washington Wizards (2013).

Nag-average ng 3.6 points, 3.7 rebounds si Collins sa kanyang career, tinulungan ang New Jersey na makarating sa dalawang NBA Finals. (Vladi Eduarte)

The post Unang NBA gay player Jason Collins sumakabilang buhay sa brain cancer first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments