NAGPAALAM na si Dae Yeong Joo ng Gapyeong Team sa pagtatanggol sa titulo sa kabila ng solong pagtawid sa meta ng 158 km 2026 MPTC Tour of Luzon Stage 11 na nagsimula sa Candon City Arena grounds at natapos sa harapan ng San Juan Town Hall, La Union nitong Linggo.
Isinuko na ng Koreano ang korona pagkababa ng bisikleta, yukod sa libong nanonood bilang pagbibigay galang sa karera at sa pagwawagi sa lap ng 14 yugto ng nagbabalik na 71-taong summer bikathon.
“I am done,” bulalas ni Joo, na itinala ang 3 oras, 19 na minuto at 16 na segundo sa tagumpay – ang ikalawa sa karera pagkawagi sa Stage 1 kung saan naisuot ang yellow jersey at hindi na binitiwan sa
loob ng walong pinaglabanan na yugto noong isang taon.
“I already reached my goal in this race, that is to win the King of the Mountain stage, and then win the purple jersey with this stage win. I am done,” hirit ni Joo, na pinaarusahan sa ginawa sa finish line.
“Penalty: CHF 25 / PHP 1,950 fine each for Joo Dae Yeong GPCT for dangerous conduct of a rider that endangers himself and other competitors. (“harmless” but technically unsafe celebration),” ayon sa Commissaire communique.
Umakyat din siya sa ika-16 puwesto sa overall leadership mula sa ika-17 kung saan napag-iiwanan na ng 13:28 sa leadership na hawak ni Russian Nikita Shulchenko ng Pinoy-owned LCW UAE.
Sumunod kay Joo si Saniy Syahmi Mohd Safiee ng Malaysia na 11 segundo iwan at Dominic Perez ng Pangasinan Team na pangatlo sa 12 segundo huli.
Tatahakin ngayong Lunes ng 72 siklista ang 146.4m Stage 12 sa Agoo, La Union-Daang Kalikasan, Mangatarem View Deck sa Pangasinan sa kaganapang mga hatid ng MVP Group, Philippine Amusement and Gaming Corporation at Philippine Sports Commission (Lito Oredo)
The post Dae Yeong Joo sinuko na depensa ng titulo kahit wagi pa sa Stage 11 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments