Habang milyon‑milyong Pilipino ang nagdurusa sataas ng presyo ng langis at pagkain, abala naman ang militar sa pagdiriwang ng matagumpay napagpapalipad ng Typhon missiles mula Tacloban hanggang Nueva Ecija.
Ang mas masakit—mahigit P10 bilyon ang naisipabayad ng Amerika sa Pilipinas para sa mgamisayl na ito! Kaya’t tanong ng taumbayan: “Makakain ba ng Pilipino ang mga misayl na iyan?”Bakit hindi na lang ilaan ang pondong iyon sapagkain at tulong para sa mga pamilyangnagugutom?
Kasabay ng pandaigdigang krisis na dulot ng pambobomba ng Amerika sa Iran, ginanap pa ang pinakamalaking war games ng US at Japan dito sabansa—Balikatan Exercises 2026 na may 17,000 sundalo.
At sa gitna ng palakpakan, ginawang target practice ang BRP Quezon 70, isang naval vessel ng Philippine Navy na minsang sandigan ng atinghukbong dagat.
Oo, decommissioned na ito, ngunit hindi dapatbinura ang simbolismo. Ang pagpalubog dito gamitang missile ng dating kaaway ay tila insulto sakabayanihan ng ating mga beterano noong World War II. Sa halip na marangal na pamamaalam, nilubog ito sa tawanan at hiyawan.
Sino ang nagbayad sa kanilang pagkain, sa langisna ginamit? Hindi ba’t mas makabubuti kung ang mga suplay na iyon ay ibinahagi sa mga pamilyanghindi na makakayanan ang tatlong beses napagkain sa isang araw?
Sa gitna ng energy emergency, imbes na magbigayng aktuwal na tulong, binigyan pa ng gobyerno ang Amerika ng 4,000 ektarya ng prime real estate saLuzon—libre, walang renta sa loob ng 99 taon! At higit pa, hindi saklaw ng batas ng Pilipinas ang mga Amerikano na magkakasala sa ating bayan.
Babala ng mga propesor mula UP at mga gruponggaya ng CENPEG at IBON Foundation: ang Pax Silica ay hindi proyekto ng kapayapaan kundimakinarya ng digmaan ng Amerika.
Maging mga manggagawa at negosyante ay nagbabala: ang US‑led project ay magdudulot ng land grabbing, militarisasyonm at takot sa mgamamumuhunan.
Ang Pilipinas, imbes na maging sentro ng industriyalisasyon ay ginagawang hub ng digmaan.
Nakalimutan ba ng ating mga lider‑militar namilyon‑milyong Pilipino ang namatay sapambobomba ng US at Japan noong IkalawangDigmaang Pandaigdig? Ilan pa kaya ang mamamatay sa susunod na digmaan ng Amerika?
Kung ang misayl ay hindi pagkain at ang war games ay hindi lunas sa gutom, bakit natin ipapahamak ang bayan para sa digmaan ng iba?
Ang tunay na laban ng Pilipino ay para sapalabigasan—para sa hapag‑kainan ni Juan dela Cruz, hindi para sa misayl ni Uncle Sam.
The post Bigas sa hapag-kainan o missile para kay Uncle Sam? first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments