Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang no work, no pay policy sa mga mambabatas na hindi pumapasok pero tuloy pa rin sa pagtanggap ng sahod.
Gayunpaman, aminado ang senador na hindi magugustuhan ng ilang senador ang kanyang mungkahi.
Sinabi rin ni Tulfo na baka hindi agad maipatupad ang naturang mungkahi dahil sa umiiral umano na “tayo-tayo” system sa Senado.
Ayon kay Tulfo, hindi makatarungan na sumasahod pa rin ang isang senador kahit matagal nang hindi nagpapakita o nagtatrabaho.
Giit niya, kung ang ordinaryong manggagawa ay kinakaltasan agad kapag umabsent, dapat ganoon din ang ipatupad sa mga halal na opisyal.
Sinabi pa ni Tulfo na kapag umabot na sa tatlong buwan na walang paramdam ang isang senador, dapat na itong ituring na AWOL o absent without leave, gaya ng patakaran sa mga sundalo.
The post `Di lahat ng senador kakasa sa no work, no pay policy – Erwin Tulfo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments