Inonse sa tobats, bebot tinodas ng 3 bagets

Himas-rehas ang tatlong teenager matapos umano nilang barilin at patayin ang isang babae kapalit ng pangakong droga at pera bilang bayad sa Brgy. Calamba, Cebu City.

Sa ulat, dalawa sa mga suspek ay 16-anyos habang 18-anyos naman ang isa.

Ayon sa pulisya, inamin umano ng mga ito na pinangakuan sila ng P5,000 at tatlong pakete ng shabu kapalit ng pagpatay sa biktima.

Narekober sa mga suspek ang .45 caliber pistol na ginamit umano sa krimen at cellphone ng biktima.

Ayon kay Cebu City Police Offic­e chief George Ylanan, natukoy ang mga suspek dahil sa CCTV footage sa lugar.

Lumabas din sa imbestigasyon na posibleng may kaugnayan sa onsehan sa ilegal na droga ang krimen matapos sabihin ng isa sa mga suspek na may utang umanong P680,000 halaga ng shabu ang biktima sa isang alyas “Manoy”.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong murder habang patuloy pang tinutukoy ng pulisya ang mastermind sa krimen.

The post Inonse sa tobats, bebot tinodas ng 3 bagets first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments