Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng pinansyal na tulong sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) habang ang ilang mga alalahanin na itinataas sa harap ng lupon ng ahensya’y nananatiling hindi pa nalulutas.
Sa magkahiwalay na mga ulat ng Spin.ph at Manila Bulletin/Tempo nitong Huwebes ang desisyon ay buhat sa isang memorandum na inilabas kasunod ng isang kamakailang pagpupulong ng PSC board. Binanggit ni PSC Chairman John Patrick Gregorio ang apat pangunahing alalahanin na nagdulot ng suspensiyon.
Kabilang sa mga isyu ay kakulangan ng lehitimong partisipasyon ng pambansang koponan sa nalalapit na 2026 AVC Women’s Volleyball Cup (pagsibat ng core Alas ‘Pinas players gaya nina Jia De Guzman, Bella Belen, Shaina Nitura at Angel Canino. Pagbuo ng isang bagong roster na pinangunahan ng beteranang bituin na si Alyssa Valdez).
Hindi pagkakaunawaan sa operasyon ng PNVF, PSC, at Local Oganizing Committee, hirap na pakikipag-ugnayan sa Asian Volleyball Confederation, at ang umano’y paglabag sa mga obligasyong kontraktwal na may kinalaman sa visibility ng logo, mga pangako sa branding sa panahon ng katatapos na Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali.
Sa isang liham ng tugon sa parehas na araw, binanggit ni PNVF president Anthony ‘Tonyboy’ Liao, binanggit niya na ang mahigpit na internasyonal sa mga template at ang pinigilang timeline ang naglimita sa kanilang kakayahang magbago ng branding.
Tiniyak naman ng PSC na ibabalik ang pinansyal na tulong sa PNVF at mga proyekto nito kapag naayos na ang lahat ng mga alalahanin. (Lito Oredo)
The post PSC sinuspinde pondo ng PH National Volleyball Federation first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments