Torre kay Calinisan: Hindi ka prosecutor ng media circus

Mga ka-Abante time-out muna tayo sa barilan sa Senado at dumako muna tayo sa isa pang viral issue ngayon, ito ay `yung nakuhanan sa CCTV ng pagtulak ng isang nakamotorsiklong pulis sa isang motorista sa kahabaan ng C5 Road sa Pasig City.

Umani kasi ng mga negatibong reaksyon sa netizens ang ginawa ni Napolcom Vice Chairman at Executive Officer (VICEO) Atty. Rafael Calinisan matapos iharap niya sa media ang isang pulis at ipahiya ito habang naka-live sa kanilang FB Page.

Nagalit din si Calinisan sa imbestigador ng QCPD dahil ang isinampang kaso lamang sa pulis ay slight physical injuries na dapat daw sana ay attempted murder, at nagbabala ito na masisibak ang imbestigador pati ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD.

Mas lalo pang nanggigil ang netizens kay Calinisan ng mapanood ang buong video kung saan kitang-kita na ang sinasabing biktima ang mismong nag-udyok sa pulis na magalit ito sa kanya, kita ang pag-iwas ng pulis at pag-iba ng lane pero sinundan pa rin ito ng biktima habang naka-video.

Isa na rito si MMDA General Manager at dating PNP chief Nicolas Torre III. Paalala ni Torre kay Calinisan: “JUDGE KA NG ADMIN CASES, HINDI PROSECUTOR NG MEDIA CIRCUS!”

Banat pa ni Torre kay Calinisan, “Hindi puwedeng presscon muna bago pagdinig. Hindi puwedeng public condemnation muna bago evaluation. Hindi puwedeng may desisyon ka na bago mo pa basahin ang buong kaso.” May punto dito si Torre mga ka-Abante.

Dagdag pa ni Torre, maraming pulis ang tahimik at nagtatrabaho lang at marami sa kanila ang nasisira ang pangalan, karera, at pamilya dahil sa mga padalos-dalos na pronouncement na parang may desisyon na kahit hindi pa tapos ang proseso. Tumpak ulit General Torre, Sir.

Hirit pa ni Torre na kapag ang pulis ay mali, dapat managot. Walang argumento diyan. Pero kapag ang pulis ay ginagawang convenient sacrificial lamb para sa public applause, ibang usapan na iyon.

Hindi rin puwedeng ang Napolcom — na dapat tagapagtanggol ng fairness at due process — ay nagiging venue ng trial by publicity at premature judgment.

Hindi lang si Torre ang nagtanggol sa nasabing pulis dahil nagpahayag din ang grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at nag-alok ng tulong legal matapos nilang mapanood ang buong video at kita na na-provoke lang ang pulis kaya niya nagawang itulak ang motorista.

Ayon sa kanilang pagsusuri, maaaring inabot ng matinding pang-aasar ang nasabing pulis kaya nauwi sa gulo ang insidente.

The post Torre kay Calinisan: Hindi ka prosecutor ng media circus first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments