Bilyonaryo News Channel digital chief Marlon Ramos: Media sumasabak sa panganib para maghatid ng balita

Umaasa si Bilyonaryo News Channel (BNC) digital head Marlon Ramos na mas mauunawaan ng publiko ang kahalagahan at panganib ng trabaho ng media matapos ang insidente ng putukan sa Senado.

Inihayag niya ito sa panayam ni Pinky Webb sa programang “On Point” ng BNC, kung saan isa si Ramos sa nag-live report tungkol sa naturang insidente noong Mayo 13.

“Papasok din ‘yung importance ng mainstream media in the age of social media. Kasi ngayon, ang dami na nag-aakala na kahit sinong may hawak ng cellphone, marunong kumuha ng picture, marunong kumuha ng video, journalist na agad,” aniya.

“I hope the public, the Filipino people, mas maintindihan nila ‘yung trabaho, ‘yung panganib na sinusuong ng mga members ng media, lalo na on the age of disinformation. Kung ano ‘yung danger na sinusuong natin para makapagbigay tayo ng totoong balita,” dagdag pa niya.

Bagama’t may personal na pananaw ang mga mamamahayag, sinabi ni Ramos na: “Trabaho natin bilang mga professional journalist na naipaparating natin sa publiko kung ano ‘yung dapat, ‘yung totoo na dapat nilang malaman.”

Samantala, ikinuwento rin ni Ramos na nagkaroon ng matinding takot sa hanay ng media matapos marinig ang sunod-sunod na putok sa loob ng gusali ng Senado.

“I’m actually more concerned dun sa iba nating kasamahan, kasi I know most of them, first time nakakita first-hand nung ganung klaseng insidente, nakapag-cover ng ganung klaseng insidente,” aniya.

Dahil dito, ipinakita rin umano ng insidente ang matinding pangangailangan para sa safety training ng mga mamamahayag upang matutunan kung paano ligtas na mag-cover ng mga delikadong sitwasyon.

“Kailangan talaga natin ng safety training. For me, ‘yun ang mahalaga,” pagbibigay-diin pa ni Ramos.

“After no’n, talagang mare-realize mo as a journalist, kailangan mo talaga ng safety training… Dapat alam natin paano tayo mag-cover nang safe, nang hindi tayo mae-endanger,” dagdag pa niya.

Payo naman ni Ramos sa mga batang reporter at student journalist, “No story is worth your life. Kahit na gaanong kalaking istorya ‘yan.” (Angelica Malillin)

The post Bilyonaryo News Channel digital chief Marlon Ramos: Media sumasabak sa panganib para maghatid ng balita first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments