Sa mga pinapangarap na ticket sa Elite Junior Philippine Golf Tour Finals na nakataya, hinarap nina Ana Marie Aguilar at Stephen Clementer ang matinding kondisyon na walang hangin upang manguna sa isang kapana-panabik na labanan sa 4th ICTSI Bacolod JPGT 2026 Championships sa Bacolod City nitong Huwebes.
Mabigat na maulap ng kalangitan na walang kahit anong ginhawa mula sa init, nakipagbuno ang mga manlalaro sa isang mahalumigmig na atmospera habang ang hangin ay tuluyang umiwas sa Bacolod Golf and Country Club course.
Sa kabila ng nakakapang-init na hangin, niladlad ni Aguilar ang kahusayan at katatagan, pumalo ng even-par 70 upang dominahin ang dibisyong girls 7-10 36-hole 144 total, at nagtagumpay na may anim na palo kontra Soleil Molde.
Malakas na ulan sa magdamag ang nagpalambot sa maikli pero mapaghamong par-70 na kurso, na nag-udyok sa mga opisyal na ipatupad ang preferred lies.
Higit pa sa isang tropeo, ang panalo ang nagpasigla sa aspirasyon ni Aguilar sa postseason. Pumasok ang linggo na nakalubog sa ikasiyam na puwesto sa ranggo na may 10 puntos lang, ang tagumpay ang nagbigay-daan sa isang dramatikong backdoor bid para sa North vs. South Elite Finals sa Agosto sa Pueblo De Oro.
Habang tumaas ang kabuuang puntos sa 25 – na nagdala sa kanya sa ikalima – nanatili pa rin siyang labas sa mahalagang Top 4 cut-off. Sa kabutihang palad ni Aguilar, ang huling yugto ng anim na bahagi ng serye na sasambulat sa Lunes (Hunyo 8) sa Negros Occidental Golf and Country Club ilalarga, ang kanyang home course.
“I had a good game. I just tried to hit fairways and greens,” suma ni Aguilar. 10. “My short game saved me – I had a lot of steady chips and solid one-to-two putts.”
Ngayon ay mas malapit na sa isang pangarap na paglahok sa finals habang papasok sa huling yugto sa Marapara, pero nanatiling mapagpakumbaba si Aguilar.
“I feel good about my chances, but I know I need to practice more, particularly on my chipping and putting. This win will surely boost my confidence, but I need to stay focused and avoid getting distracted.”
Umiskor si Molde ng 77 para sa pagpangalawa sa 150, isang resulta na nagdala sa kanya sa tuktok ng standings ng dibisyon na may 42 points. Ikatlo si Akeisha Yocte sa (76-152) at umupo sa ikatlong puwesto sa ranking na may 33 pts., habang ang huling round na 72 ni Vanya Go ang naglagay sa kanya sa ikaapat na puwesto sa 154 at bumaba sa ikalawang puwesto sa Visayas-Mindanao Series rankings sa 39.
Nahirapan si Zoey Mascariñas sa 80 upang pumanglima sa 157, hawak ang huling puwesto para sa kwalipikasyon na may 28 puntos.
Sa dibisyon ng mga batang lalaking 7-10, walang iniwang puwang si Stephen Clementer para sa drama, tinapos ang isang napakagandang wire-to-wire win. Nagpakita ng tibay ang Cagayan De Oro standout sa second at final round na 72 para sa 152, tinalo si runner-up Thomas Ngo (93-176) ng malaking 24-troke. Si Ashton Araw-araw ang pumangatlo sa 183 pagkaraan ng 90.
Ang ikalawang sunod na tagumpay ni Clementer – kasunod sa playoff laban kay finalist Ethan Lago sa Pueblo De Oro – ang opisyal na nagbigay sa kanya ng silya sa grand finals. Ngayong nakaupo na komportable sa pangalawang puwesto sa katayuan na may 40 pts, kaunti na lang sa likod ng pinakamataas na 45 ni Lago.
“Masaya ako na manalo muli. Maganda ang laro ko ngayon,” bulalas ni Clementer, 8, na maaangas na bumawi sa pagtirada ng limang birdie pagkabokya sa first round.
“Maganda ang mga approach shot at putting ko, kaya nakuha ko ang mga birdie na iyon,” dagdag niya. “Pero medyo kinakabahan pa rin ako. Ang panalong ito ay malaking tulong sa aking kumpiyansa pa-grand finals.”
Sa kabila ng pagkawala, halos nakuha na ni Lucas Revilleza ang ikatlong pwesto na may 36 pts. Samantala, ang ikalawang pwesto ni Ngo ang nagbigay sa kanya ng 26 pts., nilampasan si Darren Ong (20) na wala sa laban para sa ikaapat na pwesto, habang nananatiling nasa bakbakan si Araw-araw na may 22 puntos.
Ang mga dibisyon ng 11-14 nagpakita ng pantay na makapangyarihang mga pagtatanghal. Sa klase ng mga lalaki, pinasiklab ni Mico Woo ang pagtakbo patungo sa kampeonato sa par-4 No. 14, pinasaya ang mga manonood sa isang pitch-in eagle. Ang 76 ang nagbigay sa kanya ng kabuuang 158 at anim na putok na panalo laban kay Jordino Mesina (76-164). Nadiskaril si Isaac Locsin ng 84 upang tumerseras sa 173.
Ang tagumpay ay mahalaga para kay Woo, na umakyat mula ikalima hanggang ikaapat sa ranggo na may 35, pinalitan si Laurence Saban (29). Sa pangunguna ni Jared Saban na may 39 markers, at sina Ken Guillermo at Ralph Batican na magkatabla sa 37, ang nalalapit na huling laban sa Marapara magiging isang do-or-die para sa huling puwesto sa kampeonato ng dibisyon.
“I had a pretty good game today and was able to beat my score of 82 from yesterday,” litanya ni Woo, 12 mula sa Lifehouse Montessori Academy sa Bukidnon.
“I’m incredibly happy because this is my first ever win in the JPGT. It means a lot to me,” hirit niya, na binanggit na ang pagpapanatili ng positibong pananaw ang nag-uudyok sa kanya. “This victory is definitely a huge confidence booster as I prepare for the grand finals.”
Sa mga batang babae na may edad 11-14, tinikman sa wakas ni Rafella Batican ang tagumpay mula sa mgkasunod na pangalawang pwesto sa Del Monte at Pueblo de Oro. Nagpakita ng napakagandang 71 upang makumpleto ang 143 iskor, na nagswak na sa kanya sa grand finals, wagi ng apat na stroke laban kay Zuri Bagaloyos (73-147). Si Eliana Dumalaog ay pumangatlo sa 154 kasama ang huling 77.
Dahil sokpa na si Brittany Tamayo sa finale na may 40 markers, sinakote ni Batican ang pangalawang puwesto sa 39. Umakyat si Bagaloyos sa ikatlo sa 36 puntos sa pamamagitan ng tatlong runner-up finish, na nagtulak kay Marqaela Dy, ang dalawang beses na nagwagi na hindi dumalo, pababa sa ikaapat na puwesto (30). Kung hindi makadalo si Dy sa huling leg, isang matinding laban para sa huling puwesto ang magaganap, kung saan handang sumugod sina Kimberly Barroquillo (28 puntos) at Dumalaog (26).
Sa premier 15-18 dibisyon, si Mhark Fernando III ang nasa bingit ng isang makasaysayang tagumpay sa JPGT, sa kabila ng isang huling pagkakamali na nagligtas sa kanya ng 75, pinalawak ang pa ang kalamangan kay Eddie Gonzales, Jr. sa tatlo sa 147.
Nagposte si Gutierrez ng 76 para sa 150, habang si Ritchie Go nag-75 para sa pangatlo sa 154.
“I struggled out there, a lot of my shots landed near the trees,” kuwento n i Fernando, 16, naghahanda para sa isang mahirap na third o last round laban sa isang lokal na paborito.
“There’s definitely pressure because I’m playing against a hometown talent, so I really need to play better tomorrow,” aniya pa.
Sa distaff side, gumawa si Tashanah Balangauan ng makapangyarihang hakbang tungo sa pagkapanalo ng kanyang ikatlong leg habang naglaro ng napaka-balanseng golf, tinapatan ang limang bogey sa pamamagitan ng apat na birdie para sa 71 at 148 upang kumalas mula sa kapwa Cebuana na si Lois Laine Go, na nag-shoot ng 76 pa-155.
“I played much better today. I managed to stay patient throughout the round, which put me in a great position to convert more birdies,” sey ng 16 na taongg-gulang na si Balangauan. “It’s highly encouraging to beat my score from yesterday and put myself in contention for tomorrow’s final round.”
Sa kabila ng pagbabago-bago ng leaderboard, alam niyang hindi pa tapos ang labanan.
“I just need to stick to my game plan and keep my patience,” dugtong niya. “Pressure is always there in every tournament – it’s just a matter of how you overcome it. If I want to win, I know I’ll need to play even better than I did today.”
Umunlad si Mikela Guillermo ng Cagayan De Oro sa 77 mula sa 83 pero nanatiling malayo sa 160 na may 18 butas pang natitirang laruin. (Abante Tonite Sports)
The post Ana Marie Aguilar, Stephen Clementer hanep sa ‘JPGT’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments