Ibinunyag ng beteranong kolumnista at broadcaster na si Ramon Tulfo sa kanyang Facebook post ang diumano’y planong paglusob sa Malacañang ng mga grupong sumusuporta kay Vice President Sara Duterte sa darating na Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.
Ayon sa post ni Tulfo, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa kanyang “tweety bird” (source) na dumalo sa isang pagpupulong sa Camp Crame.
Tinalakay umano sa pulong ang tungkol sa planong paglusob sa Malacañang ng mga grupong pro-Sara at ang mga hakbang para sa seguridad at depensa ng Malacañang sakaling matuloy ang naturang plano.
Ayon pa kay Tulfo, nakatanggap umano ang Philippine National Police (PNP) ng mga intelligence report na pangungunahan umano ng isang religious group ang naturang planadong pag-atake sa Palasyo.
Narito ang buong post ni Tulfo: “My tweety bird who attended the meeting in Camp Crame says the agenda was the plan to storm Malacanang by pro-Sara groups on June 12, to coincide with the Independence Day. The Philippine National Police (PNP) has received intelligence reports of a planned attack on the Palace to be led by a religious sect. According to my tweety bird, the conferees tackled the defense of Malacanang.”
Ipinahayag naman ng PNP na wala silang natatanggap na validated intelligence tungkol sa umano’y banta ng pagsugod sa Palasyo sa Hunyo 12.
Subalit ayon kay Acting PNP Spokesperson Col. Allen Rae Co sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, palagi naman silang handa para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa buong bansa.
Inamin ni Co na nagkaroon ng pagpupulong ang mga heneral nitong Biyernes kasama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Gayunpaman, hindi umano ito matatawag na emergency meeting kundi “unplanned meeting” lang dahil bukas pa sana ang scheduled meeting ng mga heneral kay Remulla subalit napaaga lang umano ito ng isang araw.
Samantala, ipinaubaya ng Malacañang sa mga awtoridad ang pag-imbestiga sa naturang impormasyon.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi pa nila makumpirma ang plano umano na destabilization plot sa Hunyo 12.
Pero, tinawag niya na gahaman sa kapangyarihan ang mga nagkakainteres sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit malayo pa ang 2028.
Pinag-iingat ni Castro ang publiko laban sa aniya mga kampon ng kadiliman at bahala na aniya ang mga awtoridad na aksyunan ang mga ganitong klase ng ilegal na aktibidad. (Issa Santiago/Edwin Balasa/Aileen Taliping)
The post Mon Tulfo binuking mga pro-Duterte lulusubin Palasyo sa June 12 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments