Masusubukan agad ang kakayahan ni Jimi Jean ‘Barbie’ Jamili sa unang pagsusuot ng uniporme ng Creamline pagsambulat ng 2nd Premier Volleyball League On Tour 2026 sa Hulyo 8.
Lubhang ikinatuwa ng 23 year-old, 5-foot-5 outside hitter mula sa Liloan, Cebu ang paghugot sa kanya ng Cool Smashers sa 3rd PVL 2026 Draft noong June 3 dahil sa pagkakataoang makalaro ang kapwa produkto ng Adamson University at idolong si Jessica Margaret ‘Jema’ Galanza.
Si Jamili lang ang nag-iisang tinapik ng nasabing kampo sa first round, eight overall, at kabilang si Galanza sa mga tumanggap sa kanya.
“Tuwang-tuwa ako at nakakaramdam ng maraming halo-halong emosyon dahil sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na ma-Draft,” sey ni Jamili.
“Sobrang excited at kinakabahan ako nang sabay. Ang mga hamon at pressure sa PVL ay nasa ibang antas, kaya sisiguraduhin kong ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya,” dagdag niya.
Hinirit pa ni Jamili na sobrang elibs siya kay Galanza dahil sa pamatay nitong all-around game, at mas naging espesyal ang sandal sa Draft nang matanggap niya ang scarf ng team mula kina Galanza, Denden Revilla at Ella De Jesus.
Unang magtutuos sa Ilagan, Isabela ang ZUZ Coffee at Akari sa ganap na alas 4:00 ng hapon sa nasabing petsa kasunod ang 6:30 ng gabing gitgitang Creamline at Nxled. (Lito Oredo)
The post Barbie Jamili matatasahan pagsiklab ng PVL On Tour first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments