Nawawalang 7 mangingisda, nasagip sa Palawan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ligtas nang natagpuan ang pitong mangingisdang unang iniulat na nawawala matapos lumubog ang Fishing Banca NORNINA A sa karagatan ng Quezon, Palawan.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Quezon, nasa ligtas nang kalagayan ang pito, na ngayo’y nasa Quezon, Palawan na.

Batay sa ulat, nabutas ang bangka habang pauwi sila mula sa pangingisda kaya napilitan silang abandonahin ito. Isang crew member ang nakarating sa pampang at mabilis na humingi ng tulong habang naiwan naman ang pito.

Dahil sa matagumpay na pagkakasagip, tuluyan nang tinapos ng PCG ang search and rescue operations.

Patuloy naman ang beripikasyon sa iba pang mga detalye ng pagsagip.

Nagpasalamat ang PCG sa lahat ng ahensiya, marino, mangi­ngisda, at mamamayang tumulong sa matagumpay na pagligtas sa mga nawawalang mangi­ngisda. (Romeo Luzares Jr.)

The post Nawawalang 7 mangingisda, nasagip sa Palawan first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments