TUMUNTONG si World No. 37 Alexandra “Alex” Eala sa kanyang unang kampeonato ngayong taon matapos na tibagin si Rebeka Masarova mula Sweden, 6-2, 4-6, 6-3 sa kanilang semis match sa ginaganap na 2026 WTA Lexus Birmingham Open sa England, Linggo ng madaling araw (oras sa Pilipinas).
Hindi napigilan ng dalawang beses na pagkaantala ng laro dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan ang 21-anyos na Globe Ambassador na si Eala upang itala ang kanyang ikaapat na sunod na panalo at tuluyang biguin si Masarova sa halos inabot ng apat na oras na laban.
Napigil mula ang laro dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan kung saan nakakalamang si Eala ng isang set, 3-2, at bitbit din ang bentahe na isang puntos, 15-0.
Nagpatuloy ang laban matapos ang mahigit na kalahating oras na pagbuhos ng ulan kung saan nagawa ni Eala na makuha ang isang breakpoint at manalo sa kanyang service para sa 5-2 iskor.
Subalit muling napigil ang laban matapos muling bumuhos ang ulan upang mapuwersa na itigil muli ang laro. (Lito Oredo)
The post Eala isang kembot na lang sa korona first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments