Nikola Jokic dehins minamadali ang bagong kontrata sa Denver

Hindi nagmamadali si Nikola Jokic na pumirma ng long-term extension sa Denver Nuggets.

Pagkatapos ng nakaraang 80th NBA 2025-26 Finals ay puwede na sanang upuan ni Jokic ang negosasyon, pero heto na ang free agency ay wala pang nangyayari.

Nasa Serbia si Jokic, nakikipag-ensayo sa Serbian national team para sa July window ng 20th FIBA World Cup 2027 qualifiers.

Ayon kina Marc Stein at Jake Fischer ng The Stein Line, mukhang hindi mangyayari ngayong offseason ang extension talks.

Nakatakdang tumanggap si Jokic ng $59 million (P3.6 bilyon) sa papasok na 2026-27 season at player option niya ang $62.8M (P3.9B) sa 2027-28.

Nang masipa ang Nuggets sa first round ng nakaraang playoffs, nabanggit ni Jokic na gusto niyang maging “Nugget forever”.

Puwede pang magbago ang isip ng The Joker sa mga susunod na linggo, pero sa galawan ay mukhang sa summer ng 2027 na itutuloy ang extension talks.

Pambihira muli ang 2025-26 season ng 31-year-old center, nag-average ng 27.7 points, 12.9 rebounds, 10.7 assists, 1.4 steals sa 65 games.

NBA-leading ang kanyang rebounds at assists per game.

Runner-up din siya sa MVP voting sa ikalawang sunod na taon. Sa nakalipas na anim na season, tumapos ng first o second sa MVP voting ang three-time MVP – bagay na sina Bill Russell at Larry Bird pa lang ang nakakagawa.

Nabanggit din sa The Stein Line na tinitimbang ng Nuggets ang trade possibilities para ma-upgrade ang roster na susuporta kay Jokic. (Vladi Eduarter)

The post Nikola Jokic dehins minamadali ang bagong kontrata sa Denver first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments