Sports Commission, BFA, PABA bubuhayin uli baseball sa bansa

Mabubuhay ang baseball sa bansa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC), Baseball Federation of Asia (BFA), at bagong Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na maglalatag sa hinaharap na mga matatapang hakbang.

Nakipagpulong ang BFA Executive Committee na pinangunahan ni president Jeffrey Koo Jr. kamakailan sa Manila at Paranaque sa PSC at PABA na nagmarka ng pagbabalik ng pederasyon sa Pilipinas 72 taon na pagkatatag noong 1954.

Inorganisa ng PABA, ang pagtitipon na nagdala sa mga lider ng baseball sa Asya, na giniit ang muling pagsigla at pangako ng bansa sa pagpapalakas ng ugnayan sa rehiyon.

“The Philippines is a home to baseball. With the dynamic leadership of the new PABA and game‑changing support of PSC, things will get done sooner than later. This new PABA moves fast,”

pahayag ni PSC Chairman John Patrick Gregorio, giniit ang diwa ng pagtutulungan.

Nasa tamang landas ang Rizal Memorial Baseball Stadium (RMBS) upang muling makuha ang pandaigdigang antas sa Oktubre 2026, pagho-host ng East Asia Baseball Cup sa Nobyembre.

Ang mga opisyal ng BFA, na sina CEO Richard Lin at Secretary-General Hua-Wei Lin, ang mga nagsagawa ng teknikal na inspeksyon sa RMBS kasama sina PSC Commissioner Wawit Torres, PSC Engineer Ed Clariza, PABA Vice President Manny De Castro at Secretary General Michael Asuncion.

Ibinahagi ang internasyonal na kaalaman sa konstruksiyon ng larangan, disenyo ng dugout, mga upuan ng manonood, at mga scoreboard, habang pinapanatili ang makasaysayang karakter ng stadium.

“We need our players to play more games and have more fields. The plan is to build four grassroots fields this year, four in 2027, and another four in 2028, spread across Luzon, Visayas, and Mindanao,’’ saad ni Asuncion sa imprastruktura.

Dinagdag niya na ang PABA ang nagbigay ng pinakamainit na pagtanggap sa pamilya ng BFA bilang pagpapahalaga sa pagbibigay ng pagkakataon nito sa Pilipinas.

Ayon kay Asuncion, ang baseball ng kababaihan unti-unting umuusad, kung saan nakuha ng Pilipinas ang wild card slot para sa Women’s Baseball World Cup sa Agosto at ang pagsasama ng baseball ng kababaihan sa Batang Pinoy.

Ang presensya ni Hiroko Yamada sa pulong ng BFA ang nagdiin sa lumalawak na inklusibidad ng isport.

“From our recent benchmarking with PSC, we identified the most practical infrastructure for the Philippines. Philippine baseball has a long way to go but is definitely moving forward,’’ hirit ni Asuncion.

Ipinahayag ng BFA ang kahandaan na magbigay ng mga training camp at teknikal na suporta, habang nangako ang CTBC ng kagamitan na nagkakahalaga ng $25,000, na tinapatan ng PSC sa pagbili ng isa pang $25K- na nagkakahalaga ng kabuuang $50K para sa mga programa ng PABA.

Ang mga natatanging atletang Pilipino na natukoy sa 2025 Asian Championships at SEA Games ang inendorso rin ng PABA para sa potensyal na mga propesyonal na landas, na nagbabadya ng bagong panahon ng oportunidad para sa lokal na talento.

Naroon din sina BFA vice president Chen Xu at Masatake Yamanaka kasama ang pangulo ng PABA na si Rodolfo Tingzon Jr., na may malinaw na sama-samang layunin na ang PH baseball ay hindi lang binabawi, kundi muling binabago para sa bagong henerasyon ng mga atleta at tagahanga.

Ang iba pang mga nasaa okasyon ay sina Chris Day ng BFA International Department, Technical Director Calvin Yeh, Administrative Director Yoyo Dai, at executive Eason Wang, pati si PSC Commissioner Matthew Gaston.

Ang mga pulong noong Mayo 24–25, kasama ang isang welcome banquet sa Solaire, nagpakita ng matibay na kooperasyon sa BFA, PSC, at PABA. Ang mga teknikal na detalye at mga iskedyul ng konstruksyon ay pinagtibay upang matiyak ang rehabilitasyon ng RMBS sa Oktubre, na gumiit sa kahandaan ng bansa na magtaguod ng mga internasyonal na kompetisyon. (Abante Tonite Sports)

The post Sports Commission, BFA, PABA bubuhayin uli baseball sa bansa first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments