US sinamsam $30M bank account, Ferrari, Bulgari ng Fil-Am nurse sa healthcare scam

Kinumpiska ng pamahalaan ng Estados Unidos ang mahigit $30 milyon sa mga bank account, isang Ferrari 296 GTS, iba pang mamahaling sasakyan at luxury jewelries mula sa isang Filipino-American nurse na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa umano’y $906 milyong healthcare fraud scam.

Kinilala ng United States Department of Justice ang akusado na si Marizel Yukee, isang nurse practitioner mula sa Nevada, na kabilang sa 455 indibiduwal na sinampahan ng kaso bilang bahagi ng malawakang kampanya laban sa healthcare scam sa bansa.

Ayon sa mga piskal, si Yukee at kanyang mga kasabwat ay nagsumite umano ng $906 milyon na false claims sa Medicare at Tricare sa pagitan ng Oktubre 2023 at Abril 2025.

Tinatarget umano nila ang matatandang benepisyaryo ng Medicare, kabilang ang mga pasyenteng may malalang karamdaman na nasa hospice care.

Inakusahan si Yukee sa Texas ng pagsingil sa Medicare para sa mga umano’y hindi kinakailangang wound-care procedures at paggamit ng kinita rito upang bumili ng mga luxury item.

Bukod dito, ginamit umano ang bahagi ng pondo upang magpatayo ng isang beach resort sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $4.6 milyon.

Ayon sa US DOJ, sinamsam ng gobyerno ng Amerika ang mahigit $30 milyon sa mga bank account nito; isang $594,000 Ferrari 296 GTS; pitong iba pang high-end vehicles; isang custom Bulgari necklace na nagkakahalaga ng $865,000; at iba pang mamahaling alahas na tinatayang umaabot sa $1 milyon ang halaga.

The post US sinamsam $30M bank account, Ferrari, Bulgari ng Fil-Am nurse sa healthcare scam first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments