Pormal nang pumasok sa strategic partnership ang CLTV36 at Bilyonaryo News Channel (BNC) upang maghatid ng mas malawak na access sa mapagkakatiwalaang balita, makabuluhang pagsusuri at de-kalidad na entertainment programming sa Central Luzon.
Sa ilalim ng kasunduan, mapapanood na sa CLTV36 simula Hulyo 6, 2026 ang ilan sa mga pangunahing programa ng BNC kabilang ang mga news at current affairs show na nakatuon sa pambansang usapin, negosyo at politika.
Ayon sa pamunuan ng dalawang media organizations, napili ng BNC ang CLTV36 bilang katuwang dahil sa matatag nitong presensiya sa rehiyon at malalim na koneksyon sa mga lokal na komunidad.
Kabilang sa mga programang mapapanood tuwing weekdays ang live simulcast ng “Agenda”, na pinangungunahan nina Pinky Webb, Korina Sanchez-Roxas at Willard Cheng mula alas-6:00 hanggang alas-7:30 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Susundan ito ng “On Point” (7:30PM hanggang 8:00PM) at ng talk program na “The Spokes”.
Sa weekends naman, mapapanood ang “Agenda Weekend” (Sabado at Linggo, 6:00PM hanggang 7:00 PM), kasama ang mga programang “Memo with Korina”, “Wellness is Wealth”, “The Daily Dish”, “Go Rampa with Me” at ang sports program na “The Scorecard”.
Ayon kay Paul Laus, president ng Laus Group of Companies at Executive Director ng RBC Media Group, malaking hakbang ang kolaborasyon para sa regional broadcasting.
“By bringing BNC’s fresh content and premium national current affairs programs to CLTV36, we are strengthening our programming lineup with high-value content that complements our deeply rooted local news coverage,” ani Laus.
Sinabi naman ni Billy San Juan, media head ng RBC Media Group, magbibigay ang partnership ng mas malawak na access sa mga manonood sa mahahalagang usaping pambansa at pangnegosyo.
Para naman kay Maria Fatima Baylon, Senior Vice President for Sales and Marketing ng BNC, magsisilbing tulay ang kasunduan upang mas maabot ng kanilang mga programa ang mas maraming Pilipino sa Central Luzon.
“We are thrilled to find the perfect home in Central Luzon through CLTV36,” sabi ni Baylon.
The post Bilyonaryo News Channel, CLTV36 arangkada sa Central Luzon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments