Kim Rubin umangas agad! UST sinagpang San Beda

WOMEN’S STANDING

TEAM W L

UST 1 0

AU 1 0

ADU 1 0

UE 1 0

CSB 0 1

CSJL 0 1

SBU 0 1

UPH 0 1

Mga laro sa Sabado

(Gameville Central Park)

10 am – MU vs CSB (M)

12 nn – NU vs CSJL (M)

3 pm – AU vs UST (W)

5 pm – UPH vs SBU (W)

Tinalupan ng University of Santo Tomas ang post-Detdet Pepito era sa pagwalis kontra San Beda University, 25-15, 25-16, 25-19, upang humanay sa opening day winners sa 4th V-League Women’s Collegiate Challenge prelims Day 2 nitong Linggo ng hapon, Agosto 16 sa Gameville Central Park sa Mandaluyong.

Nanatiling mahusay ang Golden Tigresses sa magkabilang panig ng court, umaasa sa isa pang produkto ng kanilang high school program sa katauihan ni Kimberly ‘Kim’ Rubin upang paamuin ang Lady Red Spikers, at tumabla sa maagang tatlong iba pa sa tuktok.
Tumapos si dating Alas youth standout Rubin na may 6 attack points, 3 digs at 2 excellent receptions, pinatatag ang depensa sa sahig ng Uste, at tinapos ang paluan sa kill transition para sa magarang simula sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.
“Sa tingin ko, ito ay isang magandang at malaking pagkakataon na magkaroon kami ng exposure sa tournament. Malaking tulong din ito sa amin na ma-check kung ano pa ang kailangan naming i-improve,” suma ni coach Cesael ‘Shaq’ Delos Santos, nasa ikalawang taon sa España-based squad tapos ng 1 oras at 16 na minutong hambalusan.
Ang middle blocker na si Em Banagua ang nanguna sa balanseng opensa ng Tigresses na may siyam na puntos, habang nagdagdag si Ash Knop ng pito, at tig-anim sina Angge Poyos at Marga Altea. Pinagsama nina setters Cassie Carballo at Ar Waje ang 16 na mahusay na set sa sweep.
Sa kabilang banda, uminit si Aiezel Parumog sa ikatlong set sa iniskor na siyam para Lady Red Spikers, sa likuran si Daisy Cagas na may 13 puntos.

At sa men’s division kinagabihan, nagbaon si Michaelo Buddin ng 12 attacks, tig-2 blocks, aces para guyahan ang National University (2-0) sa maagang pagsolo sa liderato pagkalapa sa De La Salle University (0-1), 25–23, 25–16, 25–20. (Abante Tonite Sports)

The post Kim Rubin umangas agad! UST sinagpang San Beda first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments