Umabot sa 3.1 mil¬yon ang mga Pilipinong walang trabaho nitong Hulyo 2026, mahigit kalahating milyon ang nadagdag mula sa 2.59 milyon noong Hunyo at Hulyo 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Huling pumalo sa 6% ang unemployment rate noong Hunyo 2022, ayon sa PSA.
Umakyat sa 49.21 mil¬yon ang mga may trabaho mula sa 46.05 milyon noong nakaraang taon. Pero hindi ito sapat para saluhin ang dagsa ng mga naghahanap ng pagkakakitaan.
Nadagdagan ng 3.7 milyon ang labor force kumpara noong nakaraang taon, mas mabilis kaysa sa 3.2 milyong pagdami ng mga may trabaho.
Mas masama ang lagay kumpara noong Hunyo. Nabawasan nang 1.45 mil¬yon ang mga may trabaho mula sa 50.66 milyon, habang umakyat sa 6% mula 4.9% ang unemployment rate.
Bumaba naman ang underemployment o bilang ng mga manggagawang naghahanap pa ng dagdag na trabaho o mas mahabang oras ng trabaho.
Dumating ang paghina ng labor market matapos bumagal sa 2.3% ang paglago ng ekonomiya noong second quarter. Dahil dito, mas nag-aatubili ang mga negosyo na magpalawak at kumuha ng dagdag na empleyado.
Patuloy ang pagsisikap ng administrasyon ni Pa¬ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na makaakit ng mga foreign investor upang maitayo ang mas maraming pabrika at trabaho. (Eileen Mencias)
The post 3.1M Pinoy walang trabaho noong Hulyo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments