Bagong P60 dagdag-sahod sa Metro Manila inaprub

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang bagong P60 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan ang Wage Order No. 28 noong Setyembre 7 at ipinasa na sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa kaukulang kumpirmasyon.

Sinabi ni RTWPB-NCR at DOLE-NCR Regional Director Roy Buenafe na kasalukuyang nasa NWPC ang wage order para sa karagdagang proseso ng komisyon.

Kung makukumpirma ng NWPC, inaasahang mailalathala ang wage order sa Setyembre 11 at maaari itong maging epektibo sa Setyembre 26 o 27.

Ayon kay DOLE Acting Secretary Francis Tolentino, isinagawa ng wage board ang hakbang upang madagdagan ang kita ng mga manggagawa habang nakabinbin pa ang legal na usapin hinggil sa naunang Wage Order No. 27 o ang P85 umento na hinarang sa Pasig Regional Trial Court.

Nilinaw ni Tolentino na ang P60 dagdag-sahod sa ilalim ng Wage Order No. 28 ay hindi pagbawas sa P85 umento na itinakda sa Wage Order No. 27.

Aniya, hindi pa naman naipatutupad ang P85 dagdag-sahod dahil sa kasalukuyang legal na proseso. (Issa Santiago)

The post Bagong P60 dagdag-sahod sa Metro Manila inaprub first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments