Pinawalang-sala ng Supreme Court (SC) si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa pitong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng umano’y financial interest niya sa ilang foundation sa Switzerland.
Ang desisyon ng SC First Division, na isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda, ay inilabas noong Hunyo 10, 2026, pero sa isinapubliko lamang nitong Miyerkoles, September 9.
Binaligtad ng SC ang hatol ng Sandiganbayan noong 2018 matapos sabihin na hindi napatunayan ng prosekusyon nang lampas sa makatuwirang pagdududa na ang mga foundation ay maituturing na “business” na sakop ng batas.
Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon na habang nasa gobyerno si Marcos, nagkaroon siya ng financial o pecuniary interest at nakilahok sa pamamahala ng ilang foundation tulad ng Maler, Trinidad, Rayby, Palmy, Vibur at Aguamina.
Ayon sa prosekusyon, ginamit umano ang mga foundation sa paghawak at paglilipat ng pera o ari-arian na konektado sa pamilya Marcos.
Noong 2018, hinatulan ng Sandiganbayan si Imelda sa pitong kaso. Bawat kaso ay mayroong katumbas na parusang mula anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon na pagkakakulong, bukod pa sa perpetual disqualification sa paghawak ng puwesto sa gobyerno.
Nilinaw din ng korte na hiwalay na usapin ang alegasyon tungkol sa ill-gotten wealth at hindi ito ang napagpasyahan sa mga kasong ito. (Prince Golez)
The post Imelda Marcos inabsuwelto ng SC sa 7 graft case first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments