Malamya ang naging panimula ni Chanelle Avaricio sa sambulat ng 2nd Straits Cup Ladies Classic sa Tianjin Songjiang Tuanbo Lake Golf Club (CD Course) sa Tianjin, China nitong Miyerkoles ng hapon, Setyembre 2.
Nagsalpak lang ang nag-iisang pambato ng ‘Pinas at International Container Terminal Services, Inc. ng 5-over par 77 para makipagbuhulan sa 11-way tie-90th place.
May 11 palo na ang layo agad ni Avaricio sa nasa tuktok, local bet An Zining na nag-6-under 66 para sa 1-stroke lead kina compatriots Ren Yija, Zhou Shiyuan, at Chakansim Chamborn ng Thailand na may 67 bawat isa.
Kailangang pumukpok nang todo ng Pinay parbuster ngayong Huwebes upang makapasa sa cut off scores at makapaglaro sa finale sa Biyernes.
Ang 120-player, 54-hole, 3-day event ang ika-10 bahagi ng may 16-leg 28th China Ladies Professional Golf Association 2026 Tour.
Sa nakalipas na kapitong kaganapan sa na ito circuit ni Avaricio, ang best-finish niya ay ninth place sa Qualifying School noong Enero. Sa anim na regular event naman ay 14th spot sa Moutai Singapore Ladies Masters na co-sanctioned ng CLPGA noong Hunyo. (Ramil Cruz)
The post Chanelle Avaricio malamig na 5-over tinipa sa opener first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments