Tatlong dekada nang may batas laban sa pagtatayo ng mga bahay sa mga lugar na delikado sa baha, pero problema pa rin ngayon ang mga nakatayong istruktura sa mga no-build zone.
Naungkat ang tinatawag na Lina law noong 1995 matapos muling igiit ni PCO Undersecretary Claire Castro na kailangang higpitan ang pagpapatupad ng no-build zone policy.
“Kung matatandaan n’yo iyong tinatawag na Lina law, dapat iyan ay napatupad na noong 1995,” sabi ni Castro.
Ayon sa kanya, hindi naging sapat ang aksiyon ng ilang lokal na opisyal kaya dumami ang mga istrukturang nakatayo sa mga lugar na hindi dapat tayuan. Dahil dito, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang batas.
“Kaya dumami ang nagiging sanhi ng problema ng pagbaha,” ani Castro.
Aminado siyang may mga residenteng maaapek¬tuhan kapag mahigpit nang ipinatupad ang polisiya, pero kailangan aniyang unahin ang kaligtasan ng mga nakatira sa mga lugar na delikado.
“Hindi po ito paghihigpit ng walang dahilan, paghihigpit po ito para sa kalikasan, para sa buhay ng mga kababayan natin,” dagdag niya. (Prince Golez)
The post PBBM pinahihigpitan mga no-build zone first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments