Naniniwala ako na dapat walang maiiwan, pagdating sa pag-papaunlad ng ating mgakomunidad.
Lalo na kung ang pag-unlad at pagbabagong ito ay lubhang makakaapekto sa mga residente, takbo ng pamumuhay at kalikasan.
Kaya saludo tayo sa mga residente ng Calbayog City at mga estudyante ng Northern Samar State University sa kanilang pagtindig at pagsasalitalaban sa planong wind project ng Vena Energy.
Dahil sa kanilang malakas na pagtutol, napilitanang kumpanya na ipagpaliban ang planongmagtayo ng windmill at iba pang istraktura sa loobng Calbayog Pan-as-Hayiban Protected Landscape.
May dahilan ang kanilang pangamba dahil ang protected landscape ay pinagkukunan ng inumingtubig, irigasyon at hydroelectric energy para saCalbayog City at mga kalapit na lugar.
Pinatunayan ng panalong ito ng mga Calbayognonna hindi dapat matakot magsalita kung ang nakataya ay kanilang mga tahanan, kabuhayan at kalikasan.
Ngunit hindi pa rito natatapos ang laban dahilpinayagan ng lokal na pamahalaan ang Vena Energy na magtayo ng tatlong windmills sa mgadistrito ng Tinambacan at Oquendo.
Kaya nananatiling nagbabantay ang mga residentedahil baka makasama ang mga proyektong ito sawatershed at kalapit na talon, pati na sa kanilangwater supply.
Hindi lang sa Samar kontrobersiyal ang Vena Energy, kundi pati na sa Rizal, kung saanpinoprotesta rin ng mga residente ang Talim Wind Power Project.
Nagbabala ang mga residente at environmental groups na maaaring magpalala ng pagbaha at pagguho ng lupa ang pagputol ng mga punong-kahoy at paglilinis ng mga kagubatan at kabundukan para sa proyekto.
Mula nang mag-umpisa ang mga aktibidad ng konstruksyon sa mga bulubunduking bahagi ng islanoong 2025, umalma ang mga residente nanagbaha na agad sa ilang barangay, kabilang ang Kinagatan, Binagoogan, Janosan, Pinagdilawan, Ginoong Sanay, at Binitagan.
Kinukuwestiyon din nila kung nabigyan ba talagang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang proyekto dahil hindinakonsulta ang mga residente bago sinimulan ang proyekto.
Malinaw na kailangan natin ng development. Kailangan natin ng mas maaasahan at abot-kayangsupply ng kuryente, kabilang ang paggamit ng renewable energy.
Ngunit hindi dapat isakripisyo sa ngalan ng pag-unlad ang mga tao at komunidad na direktangmaaapektuhan ang buhay, kabuhayan at paraanng pamumuhay – sa madali’t sabi ang kanilang‘palabigasan’ sa pangkabuuan.
The post Dapat walang maiiwan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments