58th: Huwag makalimot

“Dalawa lang nag nakikita kong mahalagang papel ng media – KATOTOHANAN at KATARUNGAN.

Hindi dapat maging kapalit ng pamamahayag ang buhay ng isang mamamahayag.

> AAC

Noong Biyernes , nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ang animated/documentary film na 58th.

Ang 58th ay hindi lamang pelikula. Isa itong paalala kung gaano kalaki ang halaga ng katotohanan kapag ang karahasan, kapangyarihan at takot ang nagtatangkang maghari.

Batay sa trahedya ng Maguindanao massacre noong 2009, isinasalaysay ng pelikula ang kuwento ni Reynaldo “Bebot” Momay, isang photojournalist na itinuring na ika-58 biktima—ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang kanyang mga labi.

Hindi trabaho ng journalist ang manahimik para protektahan ang makapangyarihan. Trabaho niyang hanapin ang katotohanan, ilantad ang abuso at bigyan ng tinig ang mga taong hindi na kayang magsalita para sa kanilang sarili.

Walang sinuman—opisyal man, makapangyarihan, armado o ordinaryong mamamayan—ang may karapatang pumatay ng kapwa sa brutal na paraan.

At lalong hindi dapat maging kapalit ng pamamahayag ang buhay ng isang mamamahayag.

Ang isang demokratikong lipunan ay nasusukat sa kakayahan nitong protektahan ang buhay, kalayaan sa pamamahayag, karapatang pantao at pananagutan sa harap ng batas.

Kaya huwag makalimot.

Huwag kalimutan ang mga biktima.

Huwag kalimutan ang mga pamilyang naghihintay ng hustisya.

Huwag kalimutan ang mga mamamahayag na nagbuwis ng buhay habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

At sa pagharap natin sa 2028 elections, maging mapanuri sa mga kandidato at sa rekord ng bawat pamahalaan: Ano ang ginawa nila para protektahan ang buhay? Ano ang ginawa nila para sa press freedom? May pananagutan ba ang mga nasa kapangyarihan kapag may abuso?

Dahil sa demokrasya, ang kapangyarihan ay ipinagkakatiwala lamang—hindi minamana, hindi inaangkin, at hindi dapat ginagamit upang patahimikin ang katotohanan.

58th. Huwag makalimot.

Katotohanan. Katarungan. Pananagutan.

Walang Personalan

The post 58th: Huwag makalimot first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments