Multo sa paraiso

Mukhang maaapektuhan ang turismo sa Coron, Palawan dahil sa insidente ng pagkasunog ng M/V June Aster kung saan nasa 76 na ang narekober na bangkay as of September 14.

Malamang na mapapakamot lamang sa ulo ang kalihim ng Department of Tourism (DOT) dahil sa dinami-dami ng lugar kung saan masusunog ang barko, doon pa ito nangyari sa Coron na itinuturing na paraiso ng mga turista at bakasyunista.

Laking pasalamat siguro ni dating Secretary Christina Frasco at hindi na siya ang mamomroblema sa inaasahang pagbagsak ng turismo sa Coron dahil sa ferry incident.

Sino ba naman kasing turista ang magliliwaliw sa Coron kung sa gabing namamasyal sila sa beach ay magpaparamdam o magpapakita sa dagat ang mga nasawi sa ferry. Daig mo pang nanood ng horror movie imbes na pleasure ang sadya mo rito.

Hindi natin maiaalis ang posibilidad na magmulto ang mga nasawi sa ferry. Ganyan din kasi ang nangyari sa Phuket, Thailand bunsod ng dami ng namatay sa 2004 Indian Ocean tsunami.

Nang bumalik kasi ang operasyon ng mga beach resort sa Phuket matapos ang tsunami na kumitil sa buhay ng 260 turista, staff at lokal doon, maraming naglabasang kuwento tungkol sa mga multo roon.

Isa sa naging urban legend na doon ay ang istorya ng Tuk-tuk driver na pumik-up ng dayuhang pasahero sa kalaliman ng gabi. Habang umaandar na sila, sinilip ng driver ang kanyang rear-view mirror pero laking gulat niyang nawala ang pasahero.

May mga turista rin umanong nagkuwento na habang sila ay naglalakad sa beach sa gabi, may naririnig silang nagtatawanan, kumakanta, umiiyak o humihingi ng tulong sa kanila pero nang kanilang beripikahin, wala naman silang nakitang tao.

Ang trahedya ng M/V June Aster ay isa lamang sa napakahabang listahan ng maritime accident sa bansa. Hawak pa nga ng Pilipinas ang record ng may pinakamaraming namatay sa paglubog ng isang barko. Nangyari ito noong Disyembre 20, 1987 matapos mabangga ng isang oil tanker ang M/V Doña Paz sa Tablas Strait at lumubog kung saan tinatayang 4,386 ang namatay.

Nasapawan pa ng malaking agwat ng Doña Paz ang Titanic na tinatayang 1.500 lang ang namatay nang lumubog ito noong Abril 15, 1912 matapos masagasaan ng barko ang isang malaking iceberg.

Kung hindi ako nagkakamali, hindi pa yata nagagawan ng pelikula ang trahedya sa M/V Doña Paz.

Ang Sulpicio Lines ang operator ng lumubog na Doña Paz. Makalipas ang isang taon, lumubog din ang isa pang barko ng Sulpicio, ang M/V Doña Marilyn noong Oktubre 24, 1988 kung saan tinatayang 300 ang namatay dahil sa isang malakas na bagyo.

Pagmamay-ari rin nila ang M/V Princess of the Orient na lumubog sa karagatan ng Cavite at Batangas noong Setyembre 18, 1998 kung saan tinatayang 200 ang namatay dahil din sa bagyo. Hinambalos din ng bagyo ang M/V Princess of the Stars nang lumubog ito noong Hunyo 21, 2008 sa San Fernando, Romblon na ikinamatay ng tinatayang 800 katao. Ang huling insidente ang naging hudyat sa pagpalit ng company name ng Sulpicio.

Kaya naman ang gobyerno ngayon, basta may storm signal, hindi na pinapalaot ang mga barko at baka makasama lamang sa listahan ng mga lumubog na barko sa dagat.

The post Multo sa paraiso first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments