Isko Moreno nakipag-bonding sa Mid-Autumn Festival

NAGING masaya at makulay ang advance celebration ng Mid-Autumn Festival sa Maynila dahil sa pagdalo ni Mayor Isko Moreno . Nagkaroon ng isang salu-salo para sa tradisyon at kulturang Filipino-Chinese.

Ginawa ang pagtitipon sa FFCCCII Building sa Maynila, Nagkaroon muna ng luncheon bago sinundan ng tradisyonal na ‘Bo Bing’ o tinatawag na ‘Pwa Tiong Chew’ sa Hokkien.

Isa itong masayang dice game na gumagamit ng anim na dice at isang mangkok. Iba’t ibang kombinasyon ng dice ang katumbas ng iba’t ibang premyo, na tradisyonal na kinabibilangan ng mooncakes.

Kabilang sa mga dumalo sina Mayor Isko Moreno, Manila Vice Mayor Chi Atienza, Presidential Communications Office Assistant Secretary for Private Media Arthur Lawrence Los Banos, FFCCCII Honorary President Dr. Cecilio Pedro, mga opisyal at miyembro ng FFCCCII.

Anyway,hindi lang basta laro ang Bo Bing dahil bahagi ito ng matagal nang tradisyon ng Southern Fujian o Hokkien community tuwing Mid-Autumn Festival.

Ayon sa tradisyon, iniuugnay ang laro kay Zheng Chenggong, na mas kilala sa Kanluran bilang Koxinga, isang kilalang military leader noong panahon ng Ming Dynasty.

May mga kuwento rin na ang kanyang commander na si Hong Xu ang nakaisip ng laro upang aliwin ang mga sundalo at maibsan ang kanilang pangungulila sa kanilang mga pamilya tuwing Mid-Autumn season.

Sa halip na simpleng suwerte lamang, sumisimbolo ang ‘Pwa Tiong Chew’ sa pagkakaibigan, pagsasama-sama, pagbibigayan at pagdiriwang.

Namudmod din ng mooncakes para mga nakisaya sa naturang okasyon.

Ang mooncake ay isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Mid-Autumn Festival. Karaniwang nagsasalo-salo ang pamilya at magkakaibigan sa pagkain nito habang pinagmamasdan ang bilog na buwan bilang simbolo ng pagkakaisa, reunion at pasasalamat.

Ngayong taon, gaganapin ang Mid-Autumn Festival sa September 25, 2026, o ika-15 araw ng ikawalong buwan sa Chinese lunar calendar.

Ipinagdiriwang ito sa China, Pilipinas at iba pang bahagi ng Asia bilang panahon ng pagsasama-sama ng pamilya at magkakaibigan, pagpapasalamat sa mga biyaya at pagdiriwang ng ani.

Para sa kulturang Chinese, isa ito sa pinakamahalagang selebrasyon bukod sa Lunar New Year.

Bukod sa pagdiriwang ng tradisyon, naging pagkakataon din ang okasyon para mas mapalakas ang matagal nang ugnayan ng FFCCCII at Philippine media.

Ang tema ng pagtitipon ay celebrating harmony, tradition and strong media partnerships.

Nagpasalamat si FFCCCII President Victor Lim sa patuloy na suporta ng media sa pagbabahagi ng mga kontribusyon ng Filipino-Chinese community sa pagkakaisa, serbisyo at pag-unlad ng bansa.

Isa sa mga civic project ng FFCCCII ang ‘Operation Barrio Schools,’ na nakapagtayo at nakapag-donate na ng mahigit 6,500 rural public school buildings sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sa simpleng salu-salo, laro at pagbibigayan, muling naipakita na buhay pa rin sa makabagong Maynila ang isang sinaunang tradisyon.May pagkain, pagkakaibigan, kultura, kasaysayan at siyempre, swerte sa selebrasyon ng Mid-Autumn Festival.

The post Isko Moreno nakipag-bonding sa Mid-Autumn Festival first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments