Bagsak ang Foreign Direct Investment o (FDI) saunang anim na buwan ng 2026.
Ayon ito sa opisyal na datos mula sa BangkoSentral ng Pilipinas (BSP), at hindi maganda ang balita: bumaba ng 17.8 porsiyento ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa bansa saunang anim na buwan ng taon. Mula sa mahigitapat na bilyong dolyar noong nakaraang taon, nasa$3.38 bilyon na lamang ngayon.
Kapag sinabi nating FDI, ito ang mga totoongnegosyo—pabrika, imprastraktura, at mgakumpanyang nagbibigay ng trabaho sa mgaPilipino. Kaya’t kung bumababa ito, dapat tayongmabahala. Ang tanong: bakit tila nag‑aalangan ang mga dayuhang mamumuhunan na magpasok o mag‑iwan ng kapital sa Pilipinas?
Ayon sa BSP, bumaba raw ang pautang ng mgaforeign companies sa kanilang lokal na sangay, at mas pinili nilang iuwi ang kanilang kita kaysai‑reinvest ito dito.
Ngunit hindi ba’t may mas malalim na dahilan? Hindi kaya dahil sa ingay ng politika na tila walangkatapusan? O kaya naman sa patuloy na pagtaasng operational costs gaya ng kuryente at petrolyo? Mahirap manghikayat ng bisita o lalo na ng mgamamumuhunan kung ang sariling bakuran ay magulo at magastos magtayo ng negosyo.
Hindi sapat ang paulit‑ulit na biyahe ng mgaopisyal sa ibang bansa kung ang mga reporma saloob ng bansa ay hindi nararamdaman.
Gayunman, para maging patas, tingnan din natin ang kabilang panig ng barya. Sabi nga, “gaano moman hiwain ng manipis ang keso, laging may dalawang mukha ito.”
May maganda ring senyales nitong Hunyo, kung kailan sumipa ng 35.1 porsiyento ang FDI at umabot sa $447 milyon. Ibig sabihin, hindituluyang nawala ang tiwala ng mundo sa atin. Nariyan pa rin ang Japan, Estados Unidos, at Singapore na patuloy na naglalagak ng kapital saating manufacturing at real estate sectors. May potensyal ang Pilipinas, at iyan ay katotohananghindi natin puwedeng itanggi.
Ngunit ang hamon sa pamahalaan ay malinaw: huwag lang umasa sa pa‑isa‑isang buwan ng suwerte o biglang pag‑angat. Ang kailangan ng mga negosyante ay katatagan—katatagan saekonomiya, katatagan sa batas, at higit sa lahat, katatagan sa politika.
Ang mga mamumuhunan ay hindi naghahanap ng papogi o panandaliang gimik; ang hinahanap nilaay malinaw na direksiyon at matatag nakapaligiran para sa kanilang puhunan.
Kung hindi matutugunan ang mga batayangproblema—mataas na gastos sa enerhiya, kawalanng malinaw na polisiya, at sobrang ingay sapolitika—mananatiling alanganin ang pagpasok ng kapital. At kung patuloy na bumaba ang FDI, ang direktang tatamaan ay ang kabuhayan ng karaniwang Pilipino – ang palabigasan ng bayan.
Sana magsilbi itong pamukaw sa ating mgapinuno. Tutukan ang mga isyung nagpapabigat sabulsa ng mga mamumuhunan upang ang $3.38 bilyon na iyan ay madoble sa mga susunod nabuwan. Hindi lamang ito usapin ng numero sapapel; ito ay usapin ng trabaho, kabuhayan, at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.
The post Sapul ang palabigasan! first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments