Handa na muling ipagmalaki ng Subic Bay Freeport Zone ang pamana bilang isang pangunahing destinasyon para sa palakasan sa pamamagitan ng posibleng pagtatagyod ng dalawang internasyonal na kaganapan sa susunod na taon – ang Women’s Tennis Association (WTA) tournament at ang Philippine Ladies Golf Open Championship – sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission (PSC). Ipinahayag nitong Biyernes, Set. 18 nina PSC Chairman John Patrick Gregorio at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Eduardo Alino ang magkasanib na pananaw na dalhin ang parehong prestihiyosong kompetisyon sa Subic, isang hakbang na hindi lang magpapasigla sa mga pasilidad pang-sports nito kundi magre-rebrand din sa Freeport Zone bilang isang kahanga-hangang sentro ng turismo sa sports.
“Subic has the potential to be the breeding ground of the nation’s finest athletes while standing tall as a remarkable sports tourism destination. Hosting world-class tournaments here will inspire communities and elevate Philippine sports to global standards,” pahayag ni Gregorio.
Ang Subic Bay ay hindi na bago sa mga pandaigdigang kaganapang pampalakasan. Ang mga malinis na dalampasigan at maayos na mga kalsada nito dati nang regular na nagho-host ng triathlon races, habang ang Freeport Zone ay nagdaos ng mga multi-nation meet tulad ng Southeast Asian Games noong 2005 at 2019.
Pero mula noong 2019 SEA Games, ang mga pasilidad tulad ng track oval at football pitch ng Remy Field, ang SMBA gymnasium, mga tennis court, at mga beach volleyball court ay bihirang makakita ng internasyonal na mga aksyion.
“Upgrading these facilities is essential, not only to attract athletes and fans but also to encourage people to embrace a healthy lifestyle and invest in Subic as a sports and tourism destination,” hirit naman ni Alino.
Sinimulan ni Gregorio ang pagbisita sa Subic sa Subic International Golf Club (SIGC), kasama sina Philippine Tennis Association (Philta) secretary general at Navotas City Mayor John Rey Tiangco, PSC Chief of Staff Prof. Loujaye Sonido, at golf tournament organizer Migs Almeda.
Nakipagpulong sila kay SIGC President/COO Rei Miyamoto, General Manager Delnar De Vera, EVP Narumi Atarashi, at SMBA Director Honorio “Yuri” Allado upang talakayin ang pagsasagawa ng Philippine Ladies Golf Open Championship sa Pebrero 2027.
Ang PSC, SIGC, at SBMA ang kumikilos para sa isang tatlong-taong pakikipagtulungan sa National Golf Association of the Philippines upang i-host ang kaganapang ito, na mag-aanyaya sa mga pinakamahusay na babaeng golfer mula sa Asia.
Pagkatapos, inilibot ni Allado si Gregorio sa paligid ng Subic Bay Sports Complex (SBSC), na naglalaman ng makasaysayang Remy Field, isang gymnasium na may kapasidad na 2,000, apat na nakatakip na tennis court, isang beach volleyball court, at isang 25-metrong pool – ahat ay nangangailangan ng pagsasaayos.
“With the proposed upgrade of the tennis courts, Subic can host a WTA tournament that will bring in fans and federations, much like Manila’s successful staging of the WTA 125 earlier this year. This will be a game-changer for Subic in terms of fan engagement and global recognition,” sey ni Mayor Tiangco.
Ang PSC at SBMA ang magho-host ng WTA kasama ang Philta. Nagkasundo sina Gregorio at Alino na ituloy ang mga pagsasaayos gamit ang pondo mula sa PSC at SBMA, na naglalayong ibalik ang karangalan ng SBSC at gawing magnet ang Freeport Zone para sa mga lokal at banyagang turista.
“The PSC is committed to delivering on its promise. Hosting international tournaments is not just about upgrading facilities, it’s about uplifting the entire community, inspiring athletes, and showcasing the Philippines as a world-class sports destination,” kongklusyon ni Gregorio.
Patuloy ang PSC na nakipagtulungan sa mga lokal na yunit ng gobyerno at mga ahensya upang ayusin o tapusin ang mga hindi natapos na pasilidad sa palakasan sa buong bansa. Ang parehong estratehiya ay ilalapat na ngayon sa Subic, na tinitiyak sa muling sisikat ang Freeport Zone sa pandaigdigang mapa ng palakasan. (Abante Tonite Sports)
The post Subic magpapasiklab sa 2027 tennis, golf – Patrick Gregorio first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments