Sa gitna ng patuloy na krisis pang-ekonomiya, hindi maikakaila na marami sa ating mgakababayan ang patuloy na naghahanap ng oportunidad sa labas ng bansa. Ang pangarap namakahanap ng mas mataas na kita ay nagigingmitsa ng panganib, lalo na kung ang mga alok ay nagmumula sa mga mapanlinlang na recruiter.
Sa likod ng matatamis na pangako ng dolyar, trabaho at citizenship, nakatago ang bitag ng human trafficking na naglalagay sa mga Pilipino sasitwasyong hindi nila ginusto—bilang mga “foreign mercenaries” sa digmaan ng ibang bansa.
May mga alegasyon at ulat na ang Ukraine, dahilsa matinding pangangailangan ng sundalo, ay isa sa mga bagsakan ng mga dayuhang mersenaryo. Sa gitna ng kanilang digmaan, sinasabingginagamit ang mga embahada at NGO para mag-recruit ng mga dayuhan, partikular sa Asya napinapangakuan ng mataas na sahod at benepisyo.
Ngunit sa aktwal na kalagayan, sila’y nauuwi sapinakamapanganib na operasyon, madalas walangproteksiyon, at kapag nasugatan o napatay, itinatala lamang bilang “missing in action” o “defector.” Ang pamilya sa Pilipinas ay naiwan sakawalan ng impormasyon, walang benepisyo, at walang hustisya.
Ito ang masakit na katotohanan: ang kahirapan at kawalan ng oportunidad sa sariling bayan ang nagtutulak sa ating mga kababayan na sumugal saalok ng mga recruiter. Ngunit sa halip na makamitang pangarap, sila’y nauuwi sa bangungot ng digmaan na hindi naman kanila.
Ang human trafficking na nagbabalatkayo bilang“trabaho abroad” ay isang modernong anyo ng pang-aalipin.
Dapat maging malinaw ang paninindigan ng pamahalaan: protektahan ang mga Pilipino labansa ganitong uri ng pang-aabuso. Kailanganghigpitan ang regulasyon sa mga recruitment agency, palakasin ang edukasyon at impormasyonsa mga komunidad, at tiyakin na may agarangtulong sa mga biktima.
Ang ating mga kababayan ay hindi dapat magingbala sa digmaan ng iba, lalo na kung ang kanilangpagsali ay bunga ng panlilinlang at desperasyon.
Sa huli, ang tunay na laban ay hindi sa laranganng digmaan sa ibang bansa, kundi sa larangan ng kabuhayan dito sa Pilipinas. Kung may sapat natrabaho, disenteng sahod, at proteksiyon sakarapatan ng manggagawa, hindi na kailangangmangarap ng delikadong oportunidad sa labas.
Ang Pilipino ay dapat lumaban para sa kinabukasan—hindi bilang bayarang- mandirigma, kundi bilangmamamayan na may dangal at paninindigan.
The post Kapit sa Patalim first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments