
Mula Best Actress hanggang sa apat na taong pagkakakulong, walang itinago si Katherine Luna. Binalikan niya ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay sa kuwentuhan nila ni Charo Cordial ng Maddox Jewelry.
Pero sa gitna ng pinagdaanan niya, isang tao ang hindi bumitaw: ang kanyang panganay na anak.
Sa pagbisita niya sa Maddox Jewelry, naghahanap si Katherine ng simpleng regalo para sa anak, isang paraan niya ng pagbawi sa mga sakripisyong ginawa nito para sa kanilang pamilya.
Ikinuwento niyang noong bagong opera siya at wala pang trabaho, ang panganay niya ang kumakayod para sa kanila. Nang kapusin sa pera, isinangla pa raw ng anak ang dalawa nitong gold necklaces.
Hindi na nila ito natubos.
“Para sa amin, para sa pamilya,” sambit ni Katherine.
Kaya ngayong unti-unti siyang nakakabangon at nagkakaroon muli ng trabaho, gusto naman niyang siya ang makapagbigay sa anak.
Pero hindi lang pala iyon ang isinakripisyo ng kanyang panganay.
Inamin ni Katherine na apat na taon siyang nakulong dahil sa drugs. Noong panahong iyon, 14 years old pa lamang ang kanyang panganay.
“Noong time na nakulong ako, walang relatives. Ang nandun lang talaga nag-asikaso, ang mga anak ko, lalo na ‘yung panganay ko.”
Sa murang edad, bumibiyahe raw ito mula Manila hanggang Montalban para dalhan siya ng pagkain.
“Every week,” kuwento niya.
May savings pa siyang pinagkukunan noong una, pero pagsapit ng huling taon niya sa loob, naubos na rin ito.
Dumating pa sa puntong nagpaalam ang kanyang panganay, na malapit nang mag-18 noon, kung maaari na itong magtrabaho.
Habang nakakulong ang kanilang ina, ang mga anak mismo ang nagsisikap na mabuha, at sila pa rin ang nag-aalaga sa kanya.
Masakit din para kay Katherine na sa panahong pinakabagsak siya, pakiramdam niya ay nawala ang kanyang mga kamag-anak.
“Noong time na nasa taas ako, marami akong kamag-anak. Pero nu’ng nasa loob na ako, nakulong ako, nawala na ang mga kamag-anak.”
Pero wala raw siyang itinanim na sama ng loob.
“Naiintindihan ko pa rin sila.”
Doon niya raw nakita kung sino ang mga taong hindi siya iiwan kapag down na down na siya.
Hindi rin naging madali ang buhay sa loob ng kulungan. Ikinuwento ni Katherine na maliit ang rasyon ng pagkain at nag-aabang pa sila kung may matitira.
Pero doon din siya muling nagsimulang buuin ang sarili.
Naging trustee siya, pinagkatiwalaan sa kitchen at store, natapos ang high school, nakapag-vocational at natuto ng dressmaking habang nasa loob.
Bago ang lahat ng ito, nasa magandang punto na sana ang kanyang career. Nanalo siya bilang Best Actress para sa “Babae sa Breakwater,” ang una niyang leading role.
Pero kasabay ng mga problema sa pamilya at relasyon, napasok siya sa paggamit ng droga hanggang tuluyang bumagsak ang kanyang career at buhay.
Dumating pa sa puntong nawalan na siya ng pakialam sa sarili.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong muling may mga taong naniwala sa kanya.
“Doon na ako nabuhayan. Doon na ako nagkaroon ng pag-asa,” kuwento niya.
At nang unti-unti niyang makilala muli ang dating Katherine, ito raw ang nasabi niya sa sarili:
Na-miss kita. Ang tagal mong nawala. Na-miss kita. Iingatan na kita.”
Hindi rin nakaligtas sa chikahan ang dating usap-usapan tungkol sa kanila ni Coco Martin.
Ayon kay Katherine, magkakabarkada sila noon at inamin niyang attracted siya kay Coco.
“Atrak na atrak ako sa kanya. Ako nagpapapansin,” natatawang pag-amin niya.
Inilarawan niya ang naging closeness nila na parang “kayo na, hindi,” at sinabing may “mutual love,” bagama’t aminado siyang siya raw talaga ang “patay na patay” kay Coco noon.
Pero higit sa mga kontrobersiya at rebelasyon, ang pinakamatinding bahagi ng kuwento ni Katherine ay ang mga taong nanatili noong halos wala na siyang maibigay, lalo na ang kanyang mga anak.
Kaya ang regalong pinili niya para sa panganay ay may mas malalim na kahulugan: munting pagbawi sa anak na minsang isinangla ang sariling alahas para sa pamilya at sa murang edad ay hindi iniwan ang ina sa pinakamadilim nitong panahon.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.
The post Katherine Luna binalikan kay Charo Cordial ang 4 na taon sa kulungan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments