Posibleng kasuhan ang mga tripulante at may-ari ng MV June Aster, pati ang mga nagkarga ng produkto at tauhan ng gobyerno na posibleng nagpabaya, kaugnay ng sunog sa barko na ikinasawi ng 77 katao noong Setyembre 9, 2026 sa Coron, Palawan.
Ayon kay Fire Chief Superintendent Wilberto Rico Neil Ang Kwan Tiu, maaaring sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang mga mapapatunayang responsable sa pagkamatay ng mga pasahero.
Maaari ring kasuhan sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga tauhan ng gobyerno na mapapatunayang hindi ginawa ang kanilang tungkulin.
Kabilang sa mga posibleng managot ang kapitan, mga opisyal at ilang tripulante ng barko, pati ang may-ari nito at contractor na nag-asikaso sa pagkakarga ng mga produkto.
Iniimbestigahan din kung may maling pagkakarga o deklarasyon ng mga mapanganib na kemikal, kabilang ang asphalt at calcium hypochlorite na ginagamit sa panlinis ng swimming pool.
Ayon kay Kwan Tiu, inilagay umano ang mga kemikal malapit sa labasan ng mainit na usok ng makina. Posible rin umanong gumalaw ang mga kargamento dahil sa malakas na alon at naghalo ang mga kemikal.
Sinisiyasat din kung bakit pinayagang bumiyahe ang barko kahit may problema umano sa makina na naging dahilan ng apat na araw na pagkaantala ng biyahe nito. (Prince Golez)
The post MV June Aster owner, mga crew namumurong kasuhan sa nasunog na barko first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments