Kinuwestiyon ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla kung may balak pang bumalik sa Pilipinas ang mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste.
Ayon kay Remulla, una niyang inakalang babalik ang mag-ina, pero nakatanggap umano siya ng impormasyon mula sa kanilang mga kakilala na maaaring hindi na sila umuwi.
“From the accounts of a lot of people who we mutually know, parang ayaw niya na umuwi… kasi kung talagang wala kang kasalanan, humarap ka. Remember… in criminal law, flight is an indication of guilt,” sabi ni Remulla.
Sa tingin umano ni Remulla posibleng iniiwasan nina Legarda at Leviste ang pagharap sa mga isyung ibinabato laban sa kanila.
“Ang tingin ko, ayaw na niyang umuwi. Tinatakasan nila. Ayaw nilang humarap sa charges,” ani Remulla.
Una nang inihayag ni Remulla na malapit nang ihain ng Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban sa mag-ina sa Sandiganbayan kaugnay ng mga iregularidad umano sa solar energy project.
Matagal nang naka-medical leave si Legarda mula Agosto 3 para magpagamot sa France dahil sa sakit sa baga at autoimmune disease.
Mayroon namang warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court Branch 235 laban kay Leviste kaugnay ng paglabag sa Public Service Act na inihain ng Department of Energy. May kinalaman ito sa solar energy project na hindi natupad ng kompanyang itinayo ni Leviste.
Gayunman, inirekomenda ang P75,000 piyansa para kay Leviste sa naturang kaso. (Issa Santiago)
The post Legarda, Leviste tinatakasan ang mga kaso – Boying Remulla first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments