PBBM hinamon na aksiyunan ang pagsadsad ng piso

Hindi lang payo ang dapat ibigay ng gobyerno sa taumbayan sa pagbagsak ng piso kontra dolyar kundi proteksyon sa kanilang purchasing power.

Ito ang iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos bumagsak sa P64.17 ang palitan ng piso sa kada US dollar noong Martes.

Una rito ay nanawagan si Marcos sa publiko na huwag mataranta sa patuloy na paghina ng piso.

“Do not take it with alarm. Don’t panic,” pahayag ni Marcos sa pagdalo niya sa National Correctional Consciousness Week sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Miyerkoles.

Gayunpaman, sinabi ni Diokno na kasabay ng payo na ito ay dapat aniyang maramdaman ng publiko na kumikilos ang gobyerno upang maibsan ang epekto ng pagsadsad ng piso sa purchasing power ng mga tao.

“Filipino families are already stretching their incomes to cover basic needs. The government must lay out clear, concrete measures to address these economic pressures and ease the burden on ordinary households,” ayon sa pahayag ni Diokno nitong Biyernes, Oktubre 30.

Ipinaliwanag ng mambabatas na marami nang bilihin ang nagtaas ng presyo dahil sa paghina ng piso na kapag nagpatuloy ay lalong mawawalan ng halaga ang kita ng mga Pilipino. (Bernard Taguinod)

The post PBBM hinamon na aksiyunan ang pagsadsad ng piso first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments