Zion Williamson alas pa rin ng New Orleans Pelicans

Halos walang nabago sa core ng New Orleans Pelicans sa nakalipas na dalawang seasons, maliban sa rookies na nadagdag.

Ang 26-year-old na si Zion Williamson pa rin ang alpha papasok ng 81st NBA 2026-27 season.

Mukhang kondisyon na si Williamson, ipinahayag ng Pelicans na mula sa 284 pounds ay bumaba na siya sa 277 – mas maliksi, mas may galaw.

Inaasahang hindi na rin pipigilin ng toe injury si Dejounte Murray, nakarekober na mula sa ruptured Achilles na pumigil sa kanyang laro noong 2025-26.

Sina Herb Jones at Trey Murphy, epektibo kapag walang iniinda. Dating nasama sa NBA All-Defensive Team si Jones, samantalang mainam na wing si Murphy na may tira sa tres at umaatake sa paint.

Isa pang scoring option ang bagong dating na si Bennedict Mathurin, ang tanging addition mula sa core na nakarating sa playoffs noong 2023-24.

Sina guard Jeremiah Fears at forward Derick Queen, inaasahang mabibigyan ng mas malaking papel sa ilalim ni new coach Jamahl Mosley. Parehong first-round draftees ng New Orleans ang dalawa noong 2025.

Si Queen, puwedeng ilagay sa power forward o center.

Hinahasa ni Williamson ang kanyang passing at perimeter shooting, aspeto na magiging problema ng depensa.

‘Wag lang aabutin ng injury, may laban ang Pelicans sa West. (Vladi Eduarte)

The post Zion Williamson alas pa rin ng New Orleans Pelicans first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments