Kris Bernal explains decision to delay her wedding; says, "Ayoko na mag-dream ng sobrang bonggang wedding."

Inamin ni Kris Bernal na wala pang final date ang wedding nila ng fiancé na si Perry Choi. 

Sa esklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumusta ang takbo ng wedding preparations ng couple.

Pabirong hirit ni Kris, "Ikakasal pa ba ako? Yun ang tanong. Hindi, joke lang! Kasi na-delay nang na-delay." 

Ang tentative date na napili raw nila ni Perry ay May 2021 o kaya ay last quarter of 2021 na. 

Mas gusto raw kasi nilang paghandaan ang kanilang magiging married life kaysa ang wedding day, na kung tutuusin daw ay isang one-time occasion lamang. 

Na-engage sina Kris at Perry noong February 6, 2020

Paliwanag ni Kris: "Before the pandemic, gusto ko ng bonggang wedding, gusto ko mahal, gusto ko maganda yung gown ko.

"Pero dahil marami akong natutunan ngayong quarantine, simple na lang ang gusto ko. Kung pwede lang naka-dress na lang din ako.

"Iilan na lang. Simple na lang. Kami-kami na lang.

"Ayoko na mag-dream ng sobrang bonggang wedding, sobrang laking venue...

"Nagbago talaga yung wants and perspective ko in this life because of this pandemic." 

changes in her career & need to REASSESS HER PRIORITIES

Hindi kaila sa mga fans ni Kris na isa sa mga pagsubok na dinaanan ng aktres ay ang pagkawala ng exclusive contract niya sa GMA Network.

Malaking adjustment daw iyon para kay Kris dahil 13 taon siyang nasanay na may kasiguraduhan kung anong gagawin niyang TV projects sa home network na kinabibilangan.

Ngayon ay freelancer na si Kris, kaya nakagawa siya ng weekly series sa TV5, ang Ate Ng Ate Mo, at nakagawa rin ng dalawang episodes ng drama antholgy na Tadhana sa GMA News TV.

Isa pang pagbabago sa career ni Kris—mula sa GMA Artist Center, ang talent management ng Kapuso network, ay lumipat siya sa Cornerstone Entertainment.

Napag-usapan daw ni Kris at ng fiancé niyang si Perry na isantabi muna ang wedding preparation nila para matutukan muna ng aktres ang kanyang career.  

"Sabi sa akin ni Perry, 'Since nagsisimula ka na naman, so mag-focus ka muna sa career mo, mag-focus ka muna sa bahay natin, diyan sa businesses.'

"Kasi ang hirap din sa businesses, it's not always sunshines and rainbows sa business ngayon because of the pandemic, so kailangan din mag-focus kung papano makakabenta.

"And yun nga, dahil may bagong chapter sa career ko, sabi niya, 'Mag-focus ka muna because hindi mo alam where it will bring you.'

"Siyempre, alam mo naman dream ko, magkaroon ng acting award from different award-giving bodies." 

Mas gusto rin daw nilang simulan muna ang pagpapatayo ng kanilang bahay nitong January 2021. 

Ani Kris, "Gusto namin tutukan yung house construction. Pero hindi namin tatapusin yung bahay saka magpakasal kasi matagal yun.

"Siyempre matagal magpatayo ng bahay, di ba? Pero para masimulan lang." 

"pera ko, pera ko. pera ng asawa ko, pera ko pa rin."

Bilang soon-to-be-married woman, mas naging wais pa raw si Kris sa paggasta ng kanyang pera. 

Mas iniisip daw niya yung pangmatagalan na mapapakinabangan.

"For me ha, since nabanggit ko yung pagiging matipid at kuripot, know how to budget your money.

"Because when you got engaged, nandiyan ka na sa point na magkakaroon ka ng pamilya, magkakaanak ka.

"You'll become independent. Hindi ka na aasa sa magulang mo.

"So, dapat meron ka nang pera na sa iyo. Hindi ka aasa sa magiging asawa mo. Ganun ako e." 

Natatawang diin pa ni Kris, "Pera ko, pera ko. Pera ng asawa ko, pera ko pa rin. Hahaha!" 

Sabay seryosong lahad niya, "Since na-engage ako, na-realize ko, grabe, dati sobrang immature ko, ang gastos-gastos ko.

"Pero ngayon, iniisip ko yung family life. Papunta na ako dun." 

UNDERSTANDING AND THOUGHTFUL FIANCÉ

Masuwerte raw si Kris dahil naiintindihan siya ng kanyang fiancé na si Perry.

Mas napamahal pa raw sa kanya si Perry dahil nakita niya ang suporta at pag-aalaga nito sa kanya nitong nagdaang taon.  

Dagdag ni Kris: "Yung pagmamahal niya sa akin, same intensity sa pagmamahal niya sa family ko. Kung gaano niya ako inaalagaan, ganun din niya inaalagaan yung family ko.

"E, importante sa akin yun. So, yun ang pinakagusto kong ugali niya."

Maalalahanin din daw si Perry.

"Palagi yun may pasalubong pag pumupunta dito sa bahay, hindi lang para sa akin, may dala siya para sa family ko, yung ganun.

"Kapag may kailangan yung anyone from my family, kapag siya yung tatakbuhan, matatakbuhan na rin. Ganun ang gusto ko." 

Watch full PEP Exclusives interview with Kris Bernal here:

[ArticleReco:{"articles":["155756","155731","155677","155479"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments