C-Stan amoy Magnolia

Ilang araw pa lang matapos igiit nina NorthPort Batang Pier team owner Mikee Romero at team manager Erick Arejola na hindi, iti-trade kanilang main man na si Christian Standhardinger, lumalakas ang ugong na patungo ang manlalaro sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Pinahayag sa nakalipas na Martes sa lingguhang Philippine Sportswriter’s Association (PSA) Forum ng dalawang opisyal, ang 31-year-old, 6-foot-8 Fil-German ang magiging sandigan ng team para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na sisimulan sa April 9.

“We are not trading him,” wika ni Arejola. “Christian (Standhardinger) will be our main foundation come next season.”

Pero posibleng maganap ang hindi inaasahan ng Batang Pier na kasasangkutan din nang nagnanais umalis sa Alaska Milk Aces na si Vic Manuel.

Una nang inialok ng Aces si Manuel sa Batang Pier kahit pansamantala itong inilagay sa hold ng NothPort dahil sa nalalapit na pagsasagawa ng 36th PBA Rookie Draft 2021 sa March 14.

Inaasahan na makukumpleto ang negosasyon sa trade bago dumating ang April.

Una na ring inihayag ng Batang Pier ang katulad na situwasyon na hindi nito ipagpapalit ang mga manlalaro noong na sina Terrence Romeo at Stanley Pringle, pero sa bandang huli ay tuluyang napilitang i-swap ang mmga ito sa nakalipas na ilang season.

Kinuha ang panig kagabi nina Romero at Arejola pero, kapwa wala pang mga katugunan. (Lito Oredo)

The post C-Stan amoy Magnolia first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments